Tanod, Patay sa Naka-Bonnet

PATAY ANG isang barangay tanod matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek na naka-bonnet habang nakikipagkuwentuhan ang una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa FEU Hospital sanhi ng tama ng bala sa noo si Ruben Balaton, 47 ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi, kausap ng biktima si Joan Baudi sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek kung saan isa ang agad na bumaril kay Balaton.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa FEU ang biktima.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.