Tanod, Patay sa Hampas

PATAY ANG isang barangay tanod matapos mahampas sa ulo ng ito ay umawat sa nangyaring kaguluhan kamakailan sa  Bacolod City.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si barangay tanod Lucio Naces, 57, Sto. Niño, Sum-ag, Bacolod City.

Napag-alaman na may nangyaring komosyon alas 2:0o ng mada-

ling araw sa isang inuman sa crossing Abwanan at umawat ang barangay tanod.

Sa halip naman na tumalima ang mga sangkot sa kaguluhan, isa sa kanila ang naghampas ng matigas na bagay sa ulo ng biktima.

Samantala, dinala pa sa ospital ang tanod  ng mga rumispondeng mga pulis ngunit idineklarang dead on arrival.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.