Tanod, Patay; 1 Pa, Kritikal sa Ambus

DEAD ON the spot ang isang barangay tanod habang agaw-buhay ang kasamahan nito matapos na tamba-ngan sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang biktima na si Michael Asilum, 31, na napuruhan sa kanyang ulo habang kritikal naman sa Masbate Doctors Hospital si Joselito Moran, 29.

Sinasabing madaling-araw kamakalawa habang papauwi na sa kanilang lugar sa Barangay Panisija sa bayan ng Uson, Masbate ang mga biktima nang tambangan sila ng hindi nakilalang mga suspek.

Samantala, patuloy  pa rin ang hot pursuit operation ng mga kinauukulan kung sinu-sino ang nasa likod ng nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.