Tanod, Nakaligtas sa Riding-In-Tandem

PINALAD ANG isang tanod nang hindi tamaan ng mga bala ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Masuwerte pa rin si Nestor Dela Rosa Jr., 24 ng Reparo St., Baesa ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Rose St., Baesa ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek sakay ng Yamaha Mio na hindi na nakuha ang plaka at isa sa dalawang ang sunod na bumaril kay Dela Rosa.

Pinalad na hindi tinamaan ang biktima na mabilis na nakatakbo at nakapagtago.

Dahil sa naglabasan ang ilang residente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang dalawang basyo ng kalibre .45 at slug na tumama sa gate ng katabing gawaan ng tela sa nasabing lugar.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.