Tanod na Suspek sa Masaker, Kinasuhan Na

ISANG TANOD ang suspek sa pagpatay sa tatlong babae sa isang bahay sa may Yakal St, Sta. Cruz, Manila noong makalawa. Robbery with three counts of homicide ang isinampa kahapon ng umaga ng Manila Police District (MPD) Homicide laban sa suspek.

Natagpuan na du-guan at puno ng saksak sa katawan ang biktimang sina Teresa Tan, 60-anyos; anak niyang si Evelyn Tan, 40; at kasambahay na si Cristina Partolay, 22.

Nahuli ang suspek na si Nestor Delizalde Jr., isang tanod ng Brgy. 225 Zone 21, ni Brgy. Chairman Arthur Ignacio ng Brgy. 221 Zone 21 sa Batangas St., Tondo.

Hinihinalang may kasabwat ang suspek na isang alyas Conrad na siya niyang kahati sa perang nanakaw, ngunit itinanggi ito ni Delizalde kasunod ang pag-amin niya sa pagpatay sa tatlo.

Ayon sa suspek, ginamit diumano niya ang kitchen knife matapos magising ng mga biktima at saka itanapon sa kanal.

Perang nagkakaha-laga ng P22,000, tatlong cellphone at isang digicam ang nakuha sa mga biktima.

Sinasabing guma-gamit ng droga ang tanod na nakulong na rin sa kasong robbery noong 2010. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.