Tanod na Bantay-Salakay, Kalaboso

KALABOSO ANG bantay-salakay na barangay tanod na sa halip na magbantay laban sa mga magnanakaw ay ang una pa ang nag-akyat bahay sa kalugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Loreto Macanas Jr., 27, tanod ng Barangay 172 ng Kalusugan St., Franville V ng lungsod.

Sa ulat, alas-11:45 ng gabi, nagising sa pagtulog sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar ang biktimang si Marissa Mallari at nakita ang suspek na kinukuha ang kanyang tablet, cellphone at P2,300 na cash.

Paglabas ng bahay ng suspek ay nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga barangay tanod na naging dahilan upang habulin ang suspek at nang makorner ay dinala sa presinto habang tablet na lang ang nabawi.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.