Tanker ng Gasolina, Na-Hijack

HINARANG AT TINANGAY ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek ang tanker na may laman na mga gasolina kung saan itinapon ang driver sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng driver ng tanker (RJJ-544) na si Leo Exmando, alas-3 ng umaga, tinatahak niya ang Mindanao

Avenue, Quezon City nang harangin ng mga suspek sakay ng Pajero na hindi na nakuha ang plaka.

Pinababa si Exmando sa tanker bago iginapos at isinakay sa Pajero habang isa sa mga suspek ang sumampa sa tanker na naglalaman ng 12,000 litro ng gasolina at 8,000 litro ng krudo.

Dinala ang driver sa Ugong, Valenzuela at doon iniwan at nang makakawala ang una ay agad na nagsumbong sa mga pulis.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.