Tanging si Matet lang ang dumalo
Birthday celebration ni Nora Aunor, inisnab ng mga anak?!

BONGGA NGA ang naging 60th birthday tribute to Ms. Nora Aunor last Tuesday, mismong araw ng kanyang kaarawan.

Sa imbitasyon pa lamang, masasabing pinagplanuhan ng kanyang TV network. Superstar noon, ngayon at bukas. At gusto ko ngang dagdagan pa ng magpakailanman. Bongga ang dekorasyon sa paligid ng Meralco multi-purpose hall.

Tanging ang anak ni Nora na si Matet de Leon ang aming nakita nu’ng gabing ‘yon. Na sa simula pa lamang ng party ay nag-iiyak na ito dahil sa opening prayer na tumimo sa puso niya.

Walang Lotlot de Leon kaming nakita sa gabing ‘yon na panganay na anak na matatawag ni Guy.

Nagkaroon ng tatlong questions mula sa movie press. At isa na nga kami sa naatasan na magtanong sa nag-iisang Superstar. Naitanong naming kung meron pa ba siyang regalong matatanggap ngayong kanyang kaarawan.

Sinagot naman niya na wala na siyang gustong regalong matanggap. Tama na ra ang tamang pag-aalaga sa kanya ng kanyang TV network.

From Pinoy Parazzi, happy birthday Ate Guy! Ikaw na !

 

BLIND ITEM: Kilala n’yo ba kung sino itong sikat na aktres na ayon sa aming very reliable source mula sa kanyang pinag-aralan nu’ng college na sobra raw talaga kung magmahal ang ating bida ngayon sa ating blind item.

Yes, suffocate nga ang salitang sinabi ng ating source kapag nagmahal daw si Aktres ng lalaki. At hanggang ngayon daw ay nakakabit pa raw sa kanya ang pagiging nananakal ng relasyon.

Kaya hayun at hindi tumatagal ang lalaki sa kanya. O, knows n’yo ba kung sino siya?

Dagdag pa nga ng source namin na daig pa niya ang stalker noong siya pa ay student pa.

O, ‘yun na? Gets n’yo na ba?

 

AYON NGA kay Niño Muhlach nang makausap namin siya ay kapag superstar ka, kesehedong ano pa ang ibato sa iyo na kasiraan, intriga na sandamakmak, ay supesrtar pa rin ang tingin sa ‘yo ng industriya at publiko.

Basta mahusay kang aktres, mahusay ka talaga. Tulad na lang ni Nora Aunor na super bagyo ang intriga at paninira, ‘eto nga nakatayo pa rin. Tinitingala at best actress pa rin kapag gumawa ng pelikula.

May movie nga ngayon si Niño na Juana C The Movie with Mae Paner.

Dapat panoorin ito dahil nga sobra sa comedy at sure na enjoy kayo pagkatapos n’yong ma-watch. Showing na sa June 5. Go!

 

SINONG MAY sabing naghihirap na ang superstar na si Nora? Ang balita namin, ayon sa aming source ay meron siya isang malaking food chain na talaga namang malaki ang kinikita araw-araw.

Collect ng collect lang daw ang Nora. True kaya ito?

Bigay raw ito ng isang sikat na politician. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

3 thoughts on “Tanging si Matet lang ang dumalo
Birthday celebration ni Nora Aunor, inisnab ng mga anak?!

  1. Walang mga utang na loob yang mga anak ni Nora lalo na si Ian na tunay nyang anak..Buti pa si Matet na matigas ang ulo (bakit matigas ang ulo kasi nakikipag inuman yan sya sa mga construction boy dun sa kanila nung dalaga pa) dinamayan nya si mama superstar.

  2. AY, NAMED NA SA IBANG COLUMNS ANG B.I. MO, FERNAN. SI AI-AI YAN NA MALANDYI RAW NUNG COLLEGE SYA SA FEU. HAHAHA. SYA RAW TLG ANG NANLILIGAW, TO THINK NA BABALINA SYA AT DI NAMAN KAGANDAHAN. AT MAGSASALITA RAW ANG MGA LALAKING YAN. NAKOH, AI-AI, BRACE YOURSELF AT RERESBAK NA NGA SI JED SA YO! KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.