Tanggero, Ginunting ng Kainuman

PATAY ANG ISANG 15-anyos na tanggero matapos saksakin ng gunting ng kanyang kainuman nang magtalo hinggil sa tagayan ng alak habang ang mga ito ay nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Binawian ng buhay nang idating sa Manila Central University (MCU) sanhi ng mga saksak ng gunting sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Allan Jhay Tayota, 15, out of school youth, No. 354 Rose St., Baesa, Caloocan City.

Arestado naman ang suspek na si Francisco Patan, 39, kapitbahay ng biktima at nahaharap sa kasong Murder sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi, nag-iinuman sina Tayota at Patan sa kahabaan ng Rose St. sa nasabing lungsod.

Ilang oras ang makalipas, nalasing ang suspek at kinumpronta nito ang biktima dahil sa siya palagi ang tinatagayan kung kaya’t agad itong nalasing.

Dito, kinuha ng suspek ang dala nitong gunting at sinaksak ang biktima na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan.

Habang agad namang nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod si Patan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.