Tanggap na kung ‘di makipag-ayos si Cristine Reyes
Ara Mina, kuntento na raw sa buhay

PINIPIGILAN LANG ni Ara Mina na maiyak nang pinag-usapan namin sa Startalk ang tungkol na naman sa isyu nito sa kapatid niyang si Cristine Reyes.

Lalo na naman daw kasing lumala nang problema nang nakaaway naman nito ang kapatid nilang lalaki.

Maayos naman daw kasing humihiram ng pera ang kapatid niya, at nagpapatulong maka-hanap ng trabaho, kung anu-anong pang-aalipusta ang ipinost nito sa Facebook niya. Kaya nagalit ang kapatid niya at gusto na nga raw sanang magpa-interview pero pinigilan lang nila ito.

Sabi pa ni Ara, alam naman daw niyang magkakaayos silang magkapatid pero hindi lang daw niya alam kung kailan ito.

Pero kung ganu’n pa rin daw kasama si Crisitine, mabuting huwag na lang daw.

Wala pang sinasabi si Cristine tungkol sa mga sinabi ni Ara, pero paminsan-minsan ay kung anu-ano naman ang pinu-post nito sa Facebook niya o ‘di kaya sa Twitter.

Kaya kung hindi man daw sila magkaayos sa Pasko, okay na rin daw sa kanila ‘yun at tanggap na raw nila.

Sabi pa ni Ara, “Kuntento na ako sa buhay ko eh. I’m happy with my business. Masaya na ako.”

Kasi naman happy na rin siya sa lovelife niya at open naman siya sa relasyon nila ni Mayor Patrick Meneses.

Napag-uusapan na nga raw nila ang kasal, pero hindi pa raw sa ngayon. Siyempre, hintayin muna niyang mag-propose si Mayor Patrick, ‘no!

 

HINDI NAPIGILAN ni Alyssa Alano na maiyak nang live naming na-interview sa Startalk habang nasa hospital ito.

Kasi naman kung anu-anong isyu pang ibinato sa kanya, na naaksidente na nga na muntik pa niyang ikinasawi, tapos iniintriga pa ito.

Dini-deny niya ang isyung lasing siyang nagmamaneho. Meron pang bangag daw ito. Kaya hinahamon sila ni Alyssa na ipa-drug test na siya ngayon.

Hindi rin siya umiinom kaya nagtataka siya kung saan nanggaling ang ganu’ng intriga.

Inaamin naman niyang napabilis lang talaga ang takbo biya, pero sobrang nasilaw lang daw siya sa kasalubong na kotse kaya nataranta ito.

May mga nadamay pa sa aksidenteng ‘yun pero sinagot lahat ‘yun ni Alyssa, pati ang pagpapa-hospital sa kanila.

Mabuti na lang at may mga tumutulong naman sa kanya, kaya nagpapasalamat si Alyssa dahil hindi naman siya pinabayaan.

Nagpapagaling pa muna si Alyssa, at hinihintay na lang na magaling na siya talaga bago tahiin ang malaking butas sa tagiliran niya.

Nag-offer pa nga si Dra. Vicki Belo na sila na ang magtahi para sabay ayos na rin, pero hindi raw pumayag ang doktor nito dahil sa hospital nila ito pinapagamot kaya dapat ang doktor nila ang gumawa at hindi ang iba.

Ito rin daw ang nag-ayos kay Joseph Bitangcol nu’ng naaksidente ito kaya okay naman.

Siyempre, hangad naming lahat na gumaling na si Alyssa para makasama na namin ito sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.