Tanduo Village sa Sabah, Isinara na ng Malaysia

TULUYAN NANG isinara ng Malaysia ang Tanduo Village sa Sabah kung saan nangyari ang bakbakan ng Malaysian forces at mga tauhan ng Sultanate of Sulu.

Ililipat ang 20 pamilyang naninirahan sa naturang lugar sa Sungai Merah.

Ayon sa The Star ng Malaysia, magkakaroon ang nasabing bagong settlement ng mga pasilidad kabilang na ang isang klinika at kindergarten.

Samantala, plano ring gawing security base ang naturang lugar sa ilalim ng Eastern Sabah safety zone.

Sa ngayon, patuloy namang sinusuyod ng Malaysian Police ang mga nananatili pang mga Pinoy sa nabanggit na lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.