Tanda Ba News?: Ruffa Gutierrez: Not just another beauty!

Beauty and brains – yep, si Ruffa Gutierrez ang topic natin. Walang duda, isa siya sa pinakamagagandang Pinay rito sa Pilipinas. Kaya naman very proud parents niya sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Actress, TV host, mother, at former beauty queen, ano pa ba ang kukumpleto kay Ruffa?

Taong 1993 nang mapanalunan niya ang titulong Bb. Pilipinas-World at hinirang naman na 2nd Princess sa Miss World on the same year. Hindi naging mahirap kay Ruffa na makilala agad sa showbiz. Teen idol ang tatay niyang si Eddie at aktres naman si Annabelle noong dekada ’60. Si Ruffa ang panganay nilang anak. Equally famous din sa local showbiz ang twin-brothers niyang sina Richard at Raymond.

Mahigit 50 pelikula na ang nilabasan ni Ruffa at maraming TV shows na rin ang kanyang nasalihan. Pero noong 1994, nabahiran ng matinding kontrobersiya ang kanyang pagiging artista sa historic ‘filmfest scam’ nang tanghalin siyang Best Actress para sa pelikulang Loretta na entry sa 20th Metro Manila Festival. Sino ba ang makalilimot sa infamous line ni Ms. Mauritius na si Viveka Vavajee na “Take it! Take it!?” Si Aiko Melendez ang winner ng naturang award. Nagulo ang showbiz world ng insidenteng ‘yon na na-involve din ang talent manager na si Lolit Solis at ang aktor na si Gabby Concepcion.

Nakalimutan na ba ‘yon ng sambayanan ni Juan dela Cruz? Oo. Nakabalik na sa ‘Pinas si Gabby. At isa sa sikat na mga talent managers na ngayon si Lolit. Pero hindi lang doon natapos ang kontrobersiya sa buhay-showbiz ni Ruffa.

Taong 2003 nang ikasal si Ruffa sa Turkish business tycoon na si Yilmaz Bektas. Nanirahan sa Istanbul, Turkey ang TV host-actress at buong paniwala nang lahat, matiwasay na ang buhay-pamilya nito. Nagpa-convert pa nga ito sa relihiyong Islam. Nagkaroon ng dalawang anak sina Ruffa at Yilmaz, sina Lorin at Venice. Nagkahiwalay rin ang dalawa noong 2007. Pero shocking ang mga balitang naglabasan na dinanas ni Ruffa sa kamay ng Turkish husband.

Nang bumalik si Ruffa nang ‘Pinas, muli niyang binuhay ang kanyang showbiz career. Muli siyang niligawan ni Yilmaz. Nagkaroon sila ng pansamantalang reconciliation. Pero hindi na ‘yon nagtagal dahil mismong ang nanay ni Ruffa na si Annabelle ang tumutol na magsamang muli ang dalawa.

Matatag na muli ang career dito ni Ruffa. Sa kasalukuyan ay regular host siya ng The Buzz kasama sina Boy Abunda at Kris Aquino. Huling napanood sa TV series na Kokey si Ruffa. At kung hindi siya visible sa showbiz, pinagtutuunan naman niya ng pansin ang kanyang Roof-A-Child Foundation.

Ni Erik Borromeo

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.