Tanda Ba News?: Claudine Barretto: ‘Optimum Primetime Teleserye Queen’

Matatawag na TV superstar na si Claudine Barretto. Umukit ng kanyang sariling pangalan ang aktres sa iba’t ibang roles na ginampanan sa mga teleseryeng kanyang nasalihan. Kinagisnan na ni Claudine ang showbiz dahil ang dalawang ate niya na sina Gretchen at Marjorie ay mga kilalang aktres na rin sa industriya. At age 11, nag-audition si Claudine sa stageplay na Grease. Kinakitaan siya ni Johnny ‘Mr. M’ Manahan ng potensiyal na maging mahusay na aktres. Kaya, sa edad na trese, isinali si Claudine sa teen-oriented show na Ang TV (1992).

Naging training ground kay Claudine ang afternoon TV program dahil hindi lang sa pag-arte nahasa ang kanyang talento, pati sa pagkanta, hosting at pagsasayaw ay sinubok din ang husay ng aktres.

Sa sitcom na Home Along Da Riles, nakasama naman ni Claudine ang King of Comedy na si Dolphy, at ang talented and veteran comedienne na si Nova Villa. Nai-cast uli sa isa pang sitcom ang aktres, sa Oki Doki Doc at sa teen-oriented TV series na Gimik bago ito tuluyang sumabak sa more mature and dramatic       roles. Taong 1997, ginawaran si Claudine sa PMPC Star Awards for TV ng Best TV Personality Award sa kanyang pagganap sa episode na Kasunduan sa Star Drama Presents.

Tumatak din sa isipan ng mga manonood ang iba’t ibang karakter niya sa soap operas na Mula Sa Puso (1997), Saan Ka Man Naroroon (1999), Marina (2004), Walang Kapalit (2007), at Iisa Pa Lamang (2008).

Sa pelikula, sino ang makalilimot sa performances ni Claudine sa Soltera (1999), Anak (2000), Milan (2004), Nasaan Ka Man (2005), Dubai (2005) at Sukob (2008). Naging Best Actress siya ng FAMAS sa Milan, Movie Actress of the Year 2006 ng Star Awards for Movies sa Nasaan Ka Man at Best Actress din ng FAMAS sa parehong pelikula.

Kasabay ng kasikatan, hindi rin nakaligtas si Claudine sa mga kontrobersiya. Naging paboritong usap-usapan ang affairs niya with Mark Anthony Fernandez at sa yumaong aktor na si Rico Yan. Nagkaroon din sila ng matinding tampuhan ng kapatid na si Gretchen. Laman ng bawat babasahin at showbiz talk shows ang palitan nila ng matitinding pahayag noon. Pero lahat nang ‘yan ay nalampasan ni Claudine.

Ngayon, masasabing masaya at kuntento na ang family life ng aktres mula nang ikasal siya sa aktor na si Raymart Santiago. Dalawa ang anak nila, ang adopted nilang si Sabina at ang tunay nilang anak na si Rodrigo Santino.

Alam n’yo ba na nadiskubre ng yumaong Douglas Quijano si Claudine nang isama ito ni Gretchen sa debut party ni Ruffa Gutierrez?

Sa kasalukuyan, pinaplano na rin ang isang project na pagsasamahan nila ni Gretchen.

by Erik Borromeo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.