Tanda Ba News?: Chanda, Guwapa!

Sino’ng hindi matatakot kapag nagtataray na ang isang Chanda Romero? Titig pa lang niya, ang feeling mo, eh, magiging isa kang bato, ‘no!

Ngayong pinaplastik niya ang buhay ng mga bida sa Adik Sa ‘Yo, tingnan natin kung hanggang saan ang pasensiya ng viewers para sa role ng

guwapa at talented na si Chanda.

Tubong-Cebu si Chanda Valenzuela Romero. Pangarap talaga niya ang maging flight stewardess. Pero nabago ang takbo ng buhay niya, kasi noong 18 siya, lumayas siya bahay nila at rumampa bilang modelo sa Cebu.

Nadiskubre ng isang talent scout si Chanda habang nagmo-model sa masalimuot na siyudad kung kaya inimbitahan siya nitong pumunta ng Manila. True enough, nadiskubre ang husay ni Chanda sa aktingan.

Markado ang mga pagganap ni Chanda. Patunay rito ang mga pagkakataong ibinigay sa kanya para makatrabaho ang mga batikang direktor tulad nina Ishmael Bernal at Lino Brocka. Idagdag mo pa sina Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen, Carlito Siguion-Reyna, at Olive Lamasan.

Madalas, seksing kontrabida ang papel ni Chanda. Sa kasagsagan ng kanyang karir, nanalo siya ng Best Supporting Actress mula sa FAMAS para sa Karma.

Madalas natin siyang mapanood sa mga serye ng GMA-7. Mula sa Villa Quintana, pasok din siya sa Impostora, Dyesebel, Luna Mystika, Zorro, at ngayon nga, sa Adik Sa ‘Yo.

Pero ito ang isang nakatutuwang chika tungkol kay Chanda. Nu’ng baguhan pa lang daw si Chanda, may tagabasa siya ng script. Pakikinggan lang daw niya ang script reader, makakabisa na niya ito. O, kaya n’yo yun?

by Mayin de los Santos, Photos by Ricky Alejo and Luz Candaba


loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.