Tan, kalmado lang
Jinggoy, Muling Ginisa ang COA Chair

SA IKALAWANG pagkakataon, nagharap sina Senador Jinggoy Estrada at Commission on Audit (COA) Chairperson Maria Gracia Pulido-Tan sa budget deliberation ng Senado, noong Lunes ng gabi.

Naging mainit ang talakayan sa pagkuwestyon ng mambabatas sa paggamit ng COA sa pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kabilang sa kanyang inusisa ang umano’y pagbili ng ahensya ng mga computer at pagkuha ng serbisyo ng mga information technology consultant.

Hindi rin pinalagpas ng senador ang sinasabing pagbili ng mga service vehicle ng COA para kay Commissioner Heidi Mendoza at dalawa pang direktor.

“I assume kaya kayo nag-purchase ng vehicles para sa dalawang commissioners n’yo ay luma na o unserviceable ang sasakyan,” pahayag ni Estrada.

“Wala po talagang sasakyan,” ayon naman kay Tan.

Iginiit ni Estrada na nakalaan ang DAP o savings ng mga ahensya ng pamahalaan sa socio-economic development project ng kasalukuyang administrasyon.

Iginiit naman ng COA na 2011 pa sila humingi ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) at 2012 na ito naaprubahan.

Nalaman na lang nila na galing sa DAP ang pondo nang makita nila ang Special Release Allotment Order (SARO).

Binatikos ng senador ang pag-usisa ng COA sa DAP. “If you ask my opinion, Madam Chair, your agency COA cannot be objective in its audit on propriety and legality… when the agency itself is a recipient in the DAP even if there is no irregularity.”

“With due respect as for the legality of the DAP to the releases by the DBM, that is already before the SC and we did not raise any issue in the legality. What we are analyzing, Sir is the utilization of the DAP,” ani Tan.

Kinuwestyon ni Estrada pati ang posisyon ng anak ni Tan na si Faith Valerie bilang kanyang executive assistant.

Lumalabas sa COA resolution na inilabas noong nakaraang taon, ipinagbabawal sa mga opisyal na magtalaga ng kaanak sa opisina.

Samantala, sinabi ng COA chairperson na  hindi kasali rito ang mga posisyong confidential.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Tan, kalmado lang
Jinggoy, Muling Ginisa ang COA Chair

  1. Hay naku niloloko lang ninyo ang mga tao ang kakapal ng mga mukha ninyo,yong isa may atraso na magpatanungtanung pa.tse!

Leave a Reply

Your email address will not be published.