Tampuhan ng magpinsan, nauwi sa patayan

SA HALIP NA magkaayos dahil sa matagal nang samaan ng loob, nauwi sa pamamaslang ang drinking spree ng magpinsan sa bayan ng Calinog sa lalawigan ng Iloilo kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Calinog Municipal Police Station, patay bunsod ng tama ng bala ng 12 gauge shotgun si Joel Markelencia,  36-anyos at residente ng Barangay  Carvasana, Calinog, Iloilo.

Pinaghahanap naman ang pinsan nito na siyang bumaril sa biktima na si Melanyo Markelencia, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jerson Pulmones ng Calinog PNP, nagkaharap sa inuman ang magpinsan at nang malasing ay nagsumbatan sa matagal na nilang alitan.

Naging mainit umano ang pagtatalo ng dalawa hanggang barilin ni Melanyo si Joel na agad ding namatay.

Agad namang tumakas ang suspek makaraang mamatay si Joel.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.