Tambay, tinodas sa tabi ni utol

NAMATAY HABANG ginagamot sa Mark James Hospital ang isang lalaki makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang lalaki habang naglalakad papunta sa bahay ng kanyang tiyuhin kasama ang kanyang kapatid sa Barangay San Agustin, Trece Martires City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa ulat  mula sa tanggapan ni Cavite PCR-PIO Supt Jerry Protaci, kinilala ang biktimang si Jhomar Loristo, 27 taong gulang, may asawa, walang hanapbuhay, tubong-Lalao, Cagayan at residente ng Block 13 Lot 13, Transville Homes ng nabanggit na barangay.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis tumakas matapos barilin ang biktima tangay ang isang cal. 45 baril na ginamit nito sa hindi mabatid na direksyon.

Sa imbestigasyon ni PO1 Armando Ayson, may hawak ng kaso, dakong alas 9:50 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Luciano Street.

Naglalakad lamang si Loristo kasama ang kapatid nang sumulpot ang salarin saka walang sabi-sabing binaril ng malapitan ang biktima. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Tambay, tinodas sa tabi ni utol

  1. napakalaki ng karma ng pumatay kay jhomar. Buhay kapa sinusunog na kaluluwa mo. Sana naman sa mga may hawak ng kaso bigyan ng hustissya si jhomar. 

  2. kung sino man ang pumatay sa pinsan magkikita din tau maliit ang ang pilipinas puntang ina mong killer ka kaw ang susunod na mamatay putang ina mo……

Leave a Reply

Your email address will not be published.