Tambay sa Tindahan, Inatado

DEAD ON arrival sa Provincial Hospital sa Kibawe ang isang lalaki matapos na tagain sa Barangay Dangkagan, lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang nasawi na si Riolo Duran, nasa tamang gulang, nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa naging pagsisiyasat ng mga awtoridad, tinaga ang biktima habang nakatambay sa isang tindahan ng salarin na si Anthony Alegarbes.

Nakakulong na ang suspek habang nagpa-patuloy ang pagsisiyasat kung ano ang motibo sa naturang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.