TAMBALANG KRIS AQUINO AT TED FAILON, ‘DI NA TULOY!

OLACHIKKA! NOW NA! Don’t make your Monday a blue one! Hahaha!

Hindi na raw tuloy ang talk show nina Kris Aquino at Ted Failon? Nakakalokah! Wala pa raw kasing one year si P-Noy, kaya hindi pa puwedeng magdadaldal o mag-comment itong si Tetay na maaaring pagsimulan ng isyu. Hoping pa rin naman siya na matutuloy din ‘yon.

Sabi rin ng TV host-actress, may gagawin daw silang teleserye ni Anne Curtis. Pero bawal pa palang sabihin ‘yon, kaya nagalit daw itong si Deo Endrinal at sinabon-sabon ang taklesang TV host! Hahaha! Pero ‘yun na nga, wala na rin nagawa si Deo, dahil naidaldal na ni Kris sa press people.

Tungkol sa kanyang lovelife, ayaw pa raw magpaligaw ni Kris dahil mismong ang anak na si Bimby ay tutol dito! Kalurkey! At hindi pa naman annulled ang kasal nila ni James Yap, Jr., ‘di ba? Ito rin naman daw ex-husband ni Tetay, hindi pa rin nanliligaw sa ngayon. At ayaw talagang aminin na sila na ni Isabel Oli.

Sa survey naman daw na naungusan na si Kris ni Shalani Soledad sa one of the Most Influential Women, pangalawa lang nga si Tetay, ‘no comment’ na lang ang mommy ni Josh at Bimby.

BLIND ITEM: SINO ang aktor na ito na talaga namang nu’ng kapanahunan niya ay sikat na sikat siya at kabi-kabila ang raket?

Pero ngayon, wala ng career ang aktor. Kaya lang, hindi pa rin pala nagbabago ang pagkasuplado nito. Tsika kasi ng Parazzi Girl ko, nakita niya ang actor kasama ang sikat na bagets actor noon, kaya nag-request siyang magpa-picture dito.

Sey daw ng sikat noon na actor, magsi-CR lang siya sandali, kaya wait ang Parazzi Girl natin sa paglabas nito. Kaya lang, hindi na raw siya pinansin ng sikat noon na actor at tuluy-tuloy na ito sa mga kaibigan niya. Nakakaloka! May attitude pa rin na ganoon kahit hindi na sikat?!

In fairness sa actor, may teleserye siya sa nga-yon. Kaya siguro nagsusuplado? Anong sey n’yo mga Kaparazzi? Hahaha!

FOR MORE CHIKKA, more fun makinig na lang kayo, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali sa DWSS 1494KHZ, kasama ang aking co-host na si Lady Camille. Subaybayan pa rin ang programa ko tuwing linggo sa DZRH 666KHZ  2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “TAMBALANG KRIS AQUINO AT TED FAILON, ‘DI NA TULOY!

  1. Oo agree ako sa yo bilmoko, nakakairita nga si Kris pero pagdating sa trabaho sa pagiging talk show niya, articulate talaga at masarap pakinggan dahil prangka at dali lang maka punch line nya ng sagot, very entertaining talaga si Kris, iba ang hosting style nya.

  2. Kung c shalani.,. Tulog ang manonood.,. Hindi bubbly.,. Umaapil sa issue para sumikat.,. 
    Willingwillie nga ay ang lamya lamya.,. Anu nlng kaya sa hosting.,. Bka alrm clock ang katabi.,. Nyahah

  3. dapat naman c shalani kasi mas maganda c shalani keysa kay kris sa talino konti lang ang lamang ni kris kc maganda din ang school ni shalani at higit sa lahat mas makaluma keysa kay kris hahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.