Tambalang Kaye-JLC, ibalik, ibalik!

Bago pa tayo malunod sa John Lloyd-Ruffa issue, ‘wag kalimutang nauna si Eds sa puso nitong si Rovic sa noo’y sikat at inaabangang teen show na Tabing Ilog.

Si Kathering Grace Cosme Abad ang simpleng batang napapanood natin sa Ang TV. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982 sa Pennsylvania. Caviteña si Kaye pero madalas, babaeng api-apihan ang kanyang role. Kaya naman nagulat ang madla nang mag-pose siya sa isang men’s magazine at ngayon, isang sexy girl sa panghapong show ng Kapamilya na Precious Hearts Romances presents Bud Brothers.

Naging ka-loveteam ni Kaye si John Lloyd Cruz o JLC sa Tabing Ilog. Ipinanganak si JLC noong

noong June 24, 1983. Kagaya ni Kaye, nagsimula siya sa iba’t ibang teen show at naging TV host din. Unti-unti, nabigyan ng break si John Lloyd hanggang maging markado ang kanyang mga pagganap. Ikinukumpara pa nga siya sa Drama King na si Christopher de Leon at sinasabing susunod sa mga yapak nito.

Naging kapareha ni JLC ang ilang sikat na leading lady tulad nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo. Patok naman ang mga loveteam nila hanggang hirangin siyang Philippine’s Box Office King.

Pero kung gaano kaaktibo si JLC, bihirang lumabas si Kaye sa mga TV show at pelikula. Nanatiling low-profile ang buhay ng simpleng dalaga at ngayon nga, long-time dyowa ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Wala pa raw sa kanyang isipan ang magpakasal at ini-enjoy pa ang buhay-dalaga.

Ngayong binabato ng isyu si JLC at unti-unting nagbabalik sa telebisyon si Kaye, posible kayang mabigyan ng pagkakataon na ibalik ang kanilang tambalan?

Hmmm…bakit hindi, eh, pareho naman silang patok sa masa. Watdyatink?

Ni Mayin de los Santos

Click to enlarge.

loading...

7 thoughts on “Tambalang Kaye-JLC, ibalik, ibalik!

  1. I guess it’s about time to bring back JL and Kaye love team. Maganda ang tandem nila. They are the original ever since. And for sure malakas parin ang hatak nila sa mga televiewers, well sana maisip ng ABS management yon. Sana bigyan sila ng maalala episode. For sure madami ang naghihintay nun. Good actor and actress, san ka pa?

  2. yehey! thats a good idea!
    nananabik na kami sa kanila.. at least pag bigyan nila kahit sa MMK man lng para tingnan natin kung papatok pa rin sila!

    GO!

    i miss Rovic and EDs

Leave a Reply

Your email address will not be published.