Tambalang Dingdong Dantes-Rhian Ramos, iniintriga

Tiyak na magkakaroon ng intrigang may nangarir diumano para kay Rhian Ramos para sa role niya para sa next project niya  with Dingdong Dantes.

Natawa na nga lang ang isang GMA executive  nang itanong namin ito during the cast and thanksgiving party ng Zorro. Talagang para kay Rhian daw ang role ni Jodi ng Stairway to Heaven na siya ngang next project for Dingdong na hindi kasama si Marian Rivera.

Ayon pa sa naturang executive, bukod sa tina-try nilang mag-experiment ng mga loveteams, maayos din nilang pinakikinggan ang viewers’ reaction and feedback. So far, may demand sa tambalang Dingdong at Rhian.

Well, nu’ng huli naming nakatsika si Papa Dingdong ay malinaw nitong sinabi na as an actor at contract artist ng GMA, he can only follow and do his best.  Besides, bilang isa sa mga sought after leading men, mas plus factor pa sa kanya ‘yun, ‘di ba?

Gaya ng paglilinaw ng Star Magic sa naisulat nating item on Nikki Gil, nilinaw rin sa amin ni kaibigang Jun Lalin na fake at hindi siya ang may-ari ng Facebook account na nagbalitang lilipat na nga ng network ang actress-host.

“May hinala na kami pero magsasalita ako at the right time and venue. Pinag-aaralan na ng lawyer ko ang gagawin namin dahil hindi na nakakatuwa ang ginagawa ng nagnanakaw ng identity ko,” depensa pa ni Jun.

Well, gaya ni Jun ay pinagtatawanan na lang ng Star Magic ang isyu dahil kuntento at masaya si Nikki sa Kapamilya network. Maraming mga projects ang nakatakda nitong gawin at tapusin at mas lalong wala raw kinalaman ang boyfriend nitong si Billy Crawford sa usaping nabanggit.

Gawa-gawa lamang diumano ‘yun ng mga walang magawa at marahil ay naiinggit kay Nikki. ‘Yun na!

Grabe ang trapik kahapon. SONA kasi ni Pangulong Arroyo at nasabay pang Iglesia ni Cristo Day.

Kahit saan kami sumuot ay grabe ang trapik. The previous night kung saan grabe rin ang bagsak ng ulan, aksidente namang nakasabay namin ang isang young couple na nagpapatila sa isang coffee shop.

Medyo nagulat pa kami dahil wala namang kabali-balita na nagkabalikan sila. Iilan lamang kami sa naturang coffee shop na malapit diyan sa may Welcome Rotonda kaya’t hindi namin puwedeng masabing walang namamagitan sa kanila lalo pa’t malamig at malakas ang ulan nu’ng gabing ‘yun. In short, dedma sila sa kanilang PDA as in PDA.

Nasa magkaibang istasyon ang dalawa sa kasalukuyan. Mas may pangalan si young actress pero grabe naman ka-intense ang pagka-aktor ni lalaki. Basta, kami ang naunang umalis sa naturang lugar. Kung saan man sila tumuloy ay hindi na namin pinakialaman dahil sa sobrang sweet nila, parang kahit ang asukal na pang-kape ay naubos.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

21 thoughts on “Tambalang Dingdong Dantes-Rhian Ramos, iniintriga

  1. engot ang GMA kung hindi nila sasamantalahin ang loveteam na rhian dingdong..habang refreshing pa ang dating ng dalawa.di na nga nagclick ang tadyang at pelikula nila OTL pagsasamahin pa uli. So ibig sabihin nito kaya ni ding kahit wala si marian.nasubukan nyo na ipareha si ding sa ibang girls ng kapuso at kinagat ng publiko.E si marian naisasalba lang naman sya sa mga fantaserye na gustong panoorin ng mga bataat sa mga remake lang.ang nakikita ko kay ding parang kay piolo kahit sinong ipares sa kanila gusto ng mga tao.E kung ayaw nyo pagsamahin si rhian at ding, try nyo si heart evangelista malay nyo may chemistry din ang dalawa.

  2. Dong mag-Rhian kana! Minsan lang dumating ang totoong perlas sa buhay mu! Iba talaga si Rhian…parang mas malalim na kung tumingin si Dong ky Rhian ngayon na may kaakibat na “SOMETHING FROM DONG’S HEART”!!! Kitang kita nami lahat sa sumusubaybay sa Stairway. This the best loveteam ever made by GMA! Di “O.A”, Di kulang, Di rin napipilitan! Tamang-tama lang sa taste! Wow! Mag-Rhian kana Dong…bibilib kami lalo sayo kung nakita mu rin ang nakita nami sa kung anu ang nasa inyo ngayon ni Rhian! Love it!!!!

  3. mas may taste pag-DONG at RHIAN! Very compatible…the face, the elegance and class!kysa…DONG at MARIAN…)))–: sobrang barat!

  4. ang galing ni rhian sa stairway to heaven! hook na hook ang village namin dyan! sobra silang bagay ni dindong! Dong and Rhian are just perfectly right foreach other! Congratz GMA! Best loveteam today on screen…both are classy, elegant and gorgeous! More projects for this lovely couple! Sana sa totoong buhay sila rin…((-: Love it!!!

  5. feeling ko si richard guitterz, un makakatambal niya si heart….

    dapat si jennylyn mercado nlang, kc matured un itsura

  6. bat ang pinoy hilig mag remake, sa totoo lang sa dami ng napanood kong korean novela halos lahat maganda, simple at makabuluhan ang kwento. ang pinoy mag reremake na lang palpak pa. look wat hapend sa all about eve, ang kim sam soon si uge lang ang nagpasaya doon. no wonder ganyan na ka walang class ang showbiz sa pinas.

  7. rhian again.. kakasawa na sya ha..
    sana naman give other chance, d ung puro na lng si rhian..

    sana si jennylyn na lng, d hamak na mas magaling sya no!!!

    • haha! sorry na lang ang mga walang taste!
      agree lang naman ang village namin of wat Jean Garia said that both Dong and Rhian—have taste, the face, the class and the elegance! maingit na kaau! haha!

  8. susmarya! malakas talaga sa siyete! kaya bumababa ang rating ng 7 iilan lang ang may mga talent kaya mga teleserye nila ngayong taon palpak. d kami manononod nito sa barangay namin sori dingdong. maghanap pa sana sila at wag rin si jennylyn mercado at sunshine dizon mukhang nanay pa sya kay jean garcia, d convincing.

  9. rhian as jody???? yuck, yuck talga, masyadong binaboy ang teleserye…sabagay ikaw ba naman ang mag ka tita ng yda henares sa syete,bago mo nga naman ibigay sa ibagn artista ang magandang role sa pamangkin mo muna syempre…

    mas di hamak naman na magagaling sina nadine, jennylyn at marami pang iba na pwede..kaso wala eh pamangkin eh..may k o wala pag kapit na ang lumakad..walang magagwa…

    parang nabubulok na ang sistema sa aking mahal na network..

  10. Rhian as Jodi hasn’t even been announced officially yet. Kayo lang namang mga writers ang nag-rereport and predicting na may mangyayaring intriga. Pinapangunahan nyo na.

    Kayo talaga oo. Gumagawa ng usok kahit wala naman..

  11. si jericho at heart ang blind item.. sinasabi kona nga ba mahal na mahal parin ni heart si echo… hay nko heart ang arte mo swerte mo sarap ni echo papakawalan mopa

Leave a Reply

Your email address will not be published.