Tambalang Dingdong at Rhian, hindi na kailangan ng gimik!

SA LAHAT NG TANGKANG pag-remake ng GMA-7 sa mga Koreanovela, dalawa pa lang ang pumasa sa panlasa namin. Una na riyan ang Ako si Kim Sam Soon nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez at ang Stairway to Heaven nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Hindi natin mapagkakailang marami ang kumuwestiyon sa kakayahan ni Dingdong Dantes na magdala ng isang drama show. Aminin man natin o hindi, marami pang mas magaling umarte kaysa sa kanya sa Kapuso network. May mga nagsasabi pa nga na hindi niya kakayaning magdala ng show kung hindi si Marian Rivera ang katambal niya. He proved them wrong dahil habang tumatagal ay tumataas nang tumataas ang rating ng Stairway to Heaven kung saan ginagampanan niya ang papel na Cholo.

Si Rhian Ramos ay isang malaking rebelasyon. Hindi na bago kay Rhian ang mga batikos laban sa kanya na kesyo kamag-anak siya ng isang executive kaya nabibigyan ng break at playgirl daw ito at kung kani-kanino nali-link. Sa ngayon ay wala pang napatunayan ni isa sa mga na-link sa kanya maliban na lamang kina Mark Herras at JC De Vera na parehong hindi rin naman nauwi sa seryosohan.

Humanga ang lahat kay Rhian nang gampanan niya ang papel ng ‘lalaking naging babae’ sa La Lola last year. Mataas din ang rating ng programa at hinanap-hanap ng publiko ang JC-Rhian loveteam. Ngayon ay sa drama naman umaarangkada si Rhian. Napukaw niya ang aming emosyon sa eksena last week kung saan binangga siya ni Eunice (Glaiza de Castro) at nagbalik na ang alaala niya na siya nga si Jodi. Makikita mo ang pagkasabik at matinding lungkot sa kanyang mukha, kilos at boses. Tumaas pa nga ang balahibo ng kaibigan ko at ako naman ay halos maluha na! In short, nagtagumpay si Rhian sa pagpapaiyak sa amin.

Kahit pa wala talaga silang relasyon, nakitaan na ng potensiyal at chemistry ang Dingdong-Rhian loveteam. May balita kami na magtatambal na rin ang dalawa sa isang pelikula na hango sa komiks na Andong Agimat. Abangan na lang natin ‘yan!

May request o tanong ka ba? E-mail na sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin na rin kami sa http://www.pinoyfansclub.com

loading...

11 thoughts on “Tambalang Dingdong at Rhian, hindi na kailangan ng gimik!

  1. nakakaloka n naman ang mga story ng iba jan. puro drama….halos same story at same mga artista……kakasawa na mga drama puro patayan at barilan, then with kidnap twist in the end. di ba ABS?

  2. i like the remake. di masyadong iniba ang story from the original. at pwede ba sa mga tv stations itigil na ang mga plot ng kidnapping at barilan. ginagawang gago ang mga manonood.

  3. NAPAKAGANDA NG TEAM UP NILA,BAGAY NA BAGAY AT IBANG TUMINGIN SI DINGDONG SA KANYA ,GRABE ANG CHEMISTRY ,GRABENG KILIG NG MGA NANONOOD,NAKAKALOKA.MAS BAGAY SILA ,DAPAT IWAN NA NI DINGDONG SI MARIAN,WALANG WALA SYA KAHIT SA DUMI NG KUKO NI RHIAN!

  4. iba putahe nmn GMA tska stop da remake nun naumpisahan ayaw ng tumigil…..hy nku nkakaumay n n miz ko 2loy ang klmay hmmm tsarap 2lo laway ko

Leave a Reply

Your email address will not be published.