TAMBALANG ALJUR ABRENICA AT KRIS BERNAL, WALA NANG HATAK?!

HINDI PALA NA-KATULONG ang pagpasok ni Kris Bernal sa Machete na pinagbibidahan ng dating ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica. To think na talagang nabugbog ng publicity ang muling pagbabalik-tambalan nila sa nabanggit na serye, nananatiling mababa pa rin ang ratings nito.

At dahil diyan, may tsismis na disappointed ang management ng GMA-7. Inasahan din nga umano kasi ng mga ito na aangat na ang ratings ng Machete dahil sa muling pakikipagpareha ni Aljur kay Kris. Pero wala pa rin nga.

Ang ending, biglang nalipat sa mas late na timeslot ang Machete. Kung dati ay napapanood ito pagka-tapos ng Dwarfina na tinatampukan naman ni Heart Evangelista opposite Dennis Trillo, biglang last Friday ay after The Baker King na ito umere.

Marahil, strategic move ito ng Kapuso Network para mapalakas ang kanilang primetime. Pagsunud-sunurin ang pag-ere ng mga shows nilang palaban sa ratings at ihuli ang programang hindi gaanong nagri-rate which is ang Machete nga.

Today ang labas ng ratings result last Friday. Kaya ngayong araw na ito magkakaalaman kung okey na ba ang naging ratings ng Machete sa late night timeslot na nito.

Paano kung mababa pa rin? Ano kaya ang sunod na magiging move ng GMA-7?

Dumarami ang nagtatanong, wala na bang hatak sa viewers ang Aljur-Kris tandem kaya hindi na pumapalo sa ratings ang balik-tambalan nila? Nakaapekto rin kaya na lantad sa kaalaman ng lahat na si Kris ay may Jay Perillo na, samantalang si Aljur naman ay may Rich Asuncion kahit hindi ito inaamin ng aktor?

Bakit kasi hindi na lang subukan ng GMA-7 na ang itambal naman kay Aljur ay ang real-life girlfriend nga nito na si Rich? Para maiba naman. Malay natin, baka magustuhan ng viewers.

May mga nagsasabi rin, parang maling career move daw ni Kris na makipagtambal ulit kay Aljur sa Machete. Ang taas ng ratings ng pinagbidahan niyang Koreana kunsaan ang mga baguhang sina Rocco Nacino at Steven Silva ang naging leading men niya.

Mahihila lang daw pababa ni Aljur itong si Kris.

Ganyan?

BLIND ITEM: GAANO kaya katotoong namumroblema na ang isang kilalang aktor dahil naa-absorb din niya ang bigat ng kinakaharap na financial problem ng pamilya ng kanyang girlfriend na isang aktres naman? Ito nga raw ang dahilan kung bakit nangangayayat ang aktor na ito. Dahil nai-stress at naaaburido na rin umano nang husto.

Balita kasing lubog sa utang ang pamilya ng girlfriend ng aktor. Dating may kaya, pero bumagsak ang kabuhayan at hindi na muling nakabangon pa.

Kaya nagdesisyon nga ang girlfriend ng aktor na pumasok na rin sa pag-aartista para kumita at makatulong sa krisis na pinagdadaanan ng family nito. Ang kaso, kahit nga naging girlfriend na ng aktor na mas big star kesa sa kanya, naging mailap pa rin ang suwerte for her na sumikat nang husto.

May mga trabaho mang nakukuha ang aktres, pasulpot-sulpot lang at hindi pa kalakihan ang TF. Kaya kapag nagigipit na nang husto ang pamilya ng aktres, hindi raw maiwasan ng ina nito na humingi ng financial help sa aktor na boyfriend ng aktres.

Kaya pala botong-boto sa aktor ang ina ng aktres, kasi’y siya ang takbuhan nito sa oras ng sobrang kagipitan. Eh, wala ring gaanong project lately ang aktor. Nakaapekto yata kasi sa career nito ang pag-amin sa relasyon nila ng aktres. Tila tinabangan sa aktor ang kanyang mga tagasubaybay na ang inaasahan ay sila ng dating ka-loveteam niya ang magkakatuluyan.

Ano naman ang financial help na maibibigay niya lagi sa pamilya ng aktres kung gano’ng hindi rin siya malakas kumita ngayon? Eh may sarili rin nga siyang pamil-yang sinusuportahan.

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “TAMBALANG ALJUR ABRENICA AT KRIS BERNAL, WALA NANG HATAK?!

  1. . mas bagay pa rin po cla KRIS BERNAL AT ALJUR ABRENICA , khit anu pong gawin nila un po ang 22o .. at saNA PO gumawa po ulit cla nang ibang project .. na binagbibidahan nilang 2 ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.