Tamad na helper, utas sa driver

PATAY ANG ISANG truck helper makaraang pagsasaksakin ng kanyang dating driver dahil sa pagiging tamad ng una nang magkrus ang landas ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Binawian ng buhay nang idating sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng saksak sa mukha, dibdib, kamay, at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Rizmer Nacar, 22, binata, truck helper, ng # 134 9th Ave., Grace Park, Caloocan City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Navotas Police ang suspek na si Jose Lopio, Jr., 27, may-asawa, truck driver, ng 1296 Edsa, Balintawak, Apolonio Samson, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa paradahan ng mga truck sa kahabaan ng M. Naval St. cor. Taganahan St., Brgy. Bagumbayan South, Navotas City.

Paparada na ng truck ang suspek habang papasok na rin ng trabaho nang magkita ang mga ito, pagbaba ng truck ni Lopio ay agad nitong sinugod si Nacar at hinalihaw ng saksak na naging kamatayan ng biktima.

Agad namang dinala ng mga nakakita sa insidente sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga, habang nadakip naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek at dinala sa naturang himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid na ang pagiging tamad ng biktima ang naging dahilan ng hidwaan ng suspek na nauwi sa patayan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Tamad na helper, utas sa driver

  1. Dear Ms. Sapico,

    Good day. Since I wrote my comment in your website, I have been checking your website for any changes or perhaps a reaction but there has been none. Please realize how important it is to us who lost a good and God-fearing to get justice and for the entire nation to have responsible journalist. I mean no disrespect but I demand justice and clarity. Please react or act according to the conscious that governs your work and life in general. Thank and God bless. 

    Russel Anucilla

  2. Ms. Sapico’s article is a very good example of irresponsible journalism – readily coming up with a sensational tiltle without providing any support to it as you would read through the article (bakit daw tamad? sapat na ba ‘yung dahilan para patayin ang biktima o meron pang iba?). Ms. Sapico, yours is a position that can have an impact to people, please rethink whether it’s a responsibility that you can take or not. Kawawa naman ang mga nagmamahal doon sa biktima – sila na ‘yung pinatay yung kaibigan o kaanak sila pa ‘yung nainsulto. Don’t wait for something like this to happen to you before you realize kung ano ang mali sa ginawa mo.

  3. HI.. Ms. Sapico,

         Im also Friend of Rizmer Nacar , I would like to react on this article telling that our friend Rizmer is a lazy one.. for  my  info..Rizmer got promoted from deliver boy to a messenger..so i don’t think so he is a lazy employee..  pls kindly check this story again and also the sources of information..Thank and GODBLESS\

    Respectfully Yours,

    Paulo Manucdoc

  4. Dear Ms. Sapico,
    Good day, I’m Russel Anucilla, a friend of Rizmer Nacar. I would like to react on how this story was written. As far as I know, Mr. Nacar is a hard working young man but the story in this article only showed or mentioned the the victim is a lazy employee. The article didn’t mentioned that the suspect already had negative feelings toward my friend because he can have casual conversation with their boss considering that he is new in the job unlike the ones that have work in tha company way back before him. Envy is  the real motive. The article also failed to mention that the family believed that killing was done by more than one person since there is proof that they used two kinds of weapon. 
    Please re-check this story. We (Mr. Nacar’s friends) are very much offended by this article specially the title. 
    Im hoping for a kind and a just response from your office. Thank you and God and God bless.

    Russel Anucilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.