Talunan sa suntukan, rumesbak ng saksak

KRITIKAL ANG ISANG binata matapos pagsasaksakin ng kapitbahay na nakasuntukan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Romeo Aguinaldo, 24 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Roger Real III, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nagtalo ang biktima at ang suspek sa harap ng isang bakery sa nasabing lugar hanggang sa magsuntukan.

Agrabiyado ang suspek na naging dahilan upang bunutin na ang dalang patalim bago pinagsasaksak ang biktima.

Dinala ang biktima sa EAMC habang nadakip naman ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang pinagmulan ng away ng mga ito.           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.