Talent manager, nabitikma ng Budol-Budol Gang! – Ronnie Carrasco

SA INYONG LINGKOD ipinagkatiwala ang isang kontrobersiyal na manager ang exclusitivity tungkol sa pagiging biktima niya kamakailan ng tinatawag na Budol-Budol Gang.

Para sa inyong kaalaman, ang naturang sindikato na kadalasa’y tumitira in a group ay gumagamit ng paraan ng pangungumbinsi sa kanilang potential prey using hypnotism. Mapapasakanila ang pakay na pera kapalit ng ibibigay nilang goods na aakalain mong totoo, pero mga peke pala.

Nitong Miyerkules, tatlo sa anim na kataong miyembro ng gang ang nahulog sa isinagawang bitag ng San Juan Police. Ito’y pakana na rin ng pinakahuli nilang biktima who lost P5 million, na napaniwalang ang laman ng dalawampung kahong ibinigay sa kanya ng gang ay mga pearl growth enhacers only to discover na mga asin at expired liver spread ang mga iyon.

Itung-ito ang nangyari sa controversial manager, bagama’t kalahati lang ng halagang ‘yon ang nakulimbat sa kanya ng pareho ring grupo, kabilang ang dalawang Hapon. “Pang-settle ko na sana ‘yung P2.5 million na ‘yon sa mga outstanding loans ko,” depressed na sabi sa akin ng manager.

Nakiusap lang siya na huwag na munang ilabas sa media ang kanyang kuwento pending entrapment operations na binabalak na ng pulisya. Nu’ng mismong araw ng pagkakadakip sa tatlong miyembro ng gang ay agad tumungo ang manager sa himpilan ng San Juan.

As to the identity of the manager, isa sa mga alaga niya ay produkto ng isang sikat na artista search who got pregnant by an actor.

HISTORY REPEATS ITSELF on Startalk tomorrow. Years ago, nu’ng nasa naturang programa pa si Rosanna Roces, nagsilbing daan ito upang matunton, makilala at makapag-guest pa sa Startalk ang kanyang mga long-lost siblings. Sadly, nothing wasn’t heard from Osang at kung paanong napanatili niyang bukas ang mga linya ng komunikasyon sa noo’y kinasasabikan pa man din niyang pamilya.

Years later, ‘eto si Alyssa Alano, not necessarily another “bombshell replacement” to Osang, pero finally getting reunited with her 29 year-old half-sister na Australian-based na si Sandra Lee Carcar. Sandra flew in last Sunday, keeping her promise na dadalawin si Alyssa.

Matatandaan na ang pinsan ni Alyssa ang gumalugad kung saan ang kinaroroonan ng biological father ng sexy actress, only to discover that her dad, Angel Carcar, passed away two years ago dahil sa lung cancer.

Being the host to her half-sister, nitong Lunes ay dinala ni Alyssa si Sandra sa Tagaytay. Kinabukasan, sa home province naman ni Alyssa sa Tarlac binitbit ang kapatid sa ama, making her older sister taste Pinoy food like kare-kare and bulalo.

Isa lang ang pagtatagpong ito sa wakas ng magkapatid ang hindi dapat palampasin sa Startalk bukas. Siyempre, unang maitatanong: paano nagkakaintindihan si Alyssa at ang kanyang Australyanong half-sister?

Sorry, but in love within a family, there’s no such thing as language barrier.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

6 thoughts on “Talent manager, nabitikma ng Budol-Budol Gang! – Ronnie Carrasco

  1. Tma..trato nia s kanyang mga alaga eh source of income..siguro cia nga tlga ang real reason kung bkit lumipat c angel ng network..4 da sake of moNey..ms mtaas kz offer..

  2. naku gimik lang yan ni Becky, as if namang sa TALAS nya sa pera eh me tatalas pa sa kanya? for sure, tsuplit nya yan for her own sake so pag nga naman isinisi sa budol-budol, madivert ang whereabouts ng datungers, di ba? diba, magsama kayo ng PA ni jen na laos sa kulungan, pweee!

  3. itong ang manager na nega talaga parang trato sa talent eh hindi anak kundi source ng pagkikitaan nya…. kya dapat yung mga alaga nyan iiboycot yan

    • wah…rily
      c becky ba un?
      kung gnun…msaman man daw ang matuwa sa ksawian ng kapwa…pero sori lord…laking tuwa ko kung c becky tlga ito…..lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.