Talent fee ng batang aktres, nakalulula – Cristy Fermin


KAHIT KAILAN AY walang sinabi si Willie Revillame na tatakbo siya sa pagka-mayor ng Quezon City. Kahit sa hinagap lang ay hindi niya naisip na kalabanin si Vice-Mayor Herbert Bautista.

Walang nanggaling na anuman kay Willie, si Kris Aquino ang pinag-ugatan ng kuwento, nang sabihin nito na kung tatakbo si Willie sa pagka-mayor ng Kyusi ay susuportahan nito ang aktor-TV host.

Dahil du’n ay nagalit naman kay Kris ang mga tagasuporta ni VM Bistek, ang kanilang balik, boykot naman ang mga ito kay Senador Noynoy sa pagkapangulo.

‘Yun ang ikot ng istorya, hindi kay Willie nanggaling ang kumalat na balita, kundi kay Kris Aquino.

Sa abot ng aming kaalaman, dahil palagi naming nakakausap si Willie, ay malayo sa kanyang bituka ang mundo ng pulitika. Totoong matulungin siya, wala man siyang posisyon sa gobyerno ay bukas ang kanyang palad sa pagtulong sa marami nating kababayan, pero hindi nangangahulugan ‘yun na may pinupuntirya siyang posisyon sa pamahalaan.

[ad#post-ad-box]

Minsan ay may lumapit na political leader kay Willie, ang pasakalye nito sa kanya, “Bakit hindi mo mas palawakin ang tulong na ginagawa mo sa mga kapuspalad? Sa halip na ilang tao lang, bakit hindi mo pa ‘yun mas palakihin?

“Sa Wowowee, may mga binibigyan ka ng bahay, malalaking halaga ang papremyo n’yo. Bakit sa halip na konti lang ang nabibiyayaan, hindi mo pa pasukin ang pulitika?

“Mas marami kang matutulungan ‘pag nasa pulitika ka na, mas marami kang mapapasaya,” sabi sa kanya ng lider-pulitiko.

Pero standard ang sagot ni Willie sa mga ganu’ng pagkakataon, hindi siya tatakbo, ang katuwiran niya ay maaari naman siyang makatulong kahit wala siya sa posisyon.

Isa lang ang malinaw, ayaw niyang pumasok sa mundo ng pulitika, pero paboritong-paborito siya ng mga pulitiko.

Ang mga dahilan kung bakit ay iiwanan na namin sa inyo.

MAY ISANG BATANG aktres na gustong kuning opisyal na tagapag-endorso ng isang tatakbo sa mataas na posisyon ng gobyerno sa darating na halalan. Maganda kasi ang imahe ng young actress, sikat na sikat din siya, kaya gustung-gusto siyang bakuran na ngayon pa lang ng kilalang pulitiko.

Nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap ang kinatawan ng pulitiko at ang isang taong malapit sa young actress, nagpi-fishing pa lang ng presyo ang kampo ng pulitiko, pero hindi pa man ay umurong na sila.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Grabe naman pala ang talent fee ni ____(pangalan ng young actress)! Parang binibili mo na siya. Parang sinisingil na nila ang pang-isang taon na kikitain niya sa isang single transaction lang!”

Nalula ang kampo ng pulitiko sa ibinigay na presyo ng panig ng young actress, sobra-sobra ‘yun sa kanilang inaasahan, kahit pa sabihing kapag tinanggap ng young actress ang alok ng pulitiko ay wala na siyang iba pang ieendorso sa darating na kampanya at halalan.

May tatlo pang batang aktres sa kanilang listahan ngayon para gawing boses ng mga kabataan, pare-pareho silang sikat, pero umaasa ang kampo ng pulitiko na sana’y hindi ganu’n kamahal sa unang batang aktres na nakausap nila ang talent fee ng tatlo pa nilang pamimilian.

Kapaniwalaan kasi ng mga artista na malaki ang papel na ginagampanan nila kapag panahon ng eleksiyon, paminsan-minsan lang daw namang mangyari ang ganito, kaya sinasamantala na rin nila ang pagkakataon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

29 thoughts on “Talent fee ng batang aktres, nakalulula – Cristy Fermin

  1. MALI KAYONG LAHAT..SI SARAH GERONIMO YON,..WHICH SHE DESERVED NAMAN..KABALIGTARAN SA CHARACTER, BUHAY NI KRIS AQUINO..CORRECT? YES !

  2. si KIM chui yan…
    MAJA SALVADOR DI BA
    isyu na kay maja yung malaking talent fee sa endorsement kaya nag urungan yung iba.

  3. Hay cristy, here you go again…kahit na tumakbo pa si willie boy playboy etc etc etc hindi siya mananalo…mas maganda nga tumakbo siya para naman mabawas bawasan ang pera niya…ay mali pera palang patago lang sknya – hehehe…well i believe in KARMA, willie boy playboy etc etc etc will soon have a BAD KARMA…its just a matter of time…anyway let him enjoy what the hell is giving him…and afterwards he gonna be in hell…hahaha

  4. haii nko,,.!
    preprehas lng keung lhat..!
    wlang pinagkaiba..!
    d marunong mgkatawaran tira ng tira wala nmang ktapusan..!!!tsk tsk..!!!

  5. I agree kay Cristy kasi napanood ko ung The Buzz wen Kris said na dapat tumakbo si Willie as Mayor sa QC para maayos ang problema ng QC. Ang nangyari, ginawang issue ng mga writer.

    Siguro dapat sisisihin yung mga writer na nagsulat nun. Di ba opinion lang yun ni KRIS.

    Dun sa nag comment na kesyo galit si Crist y kay Kris, tanga siguro yun. Eh talaga naman galing kay Kris yun eh kaso ginawang issue ng mga writers.

  6. CRISTY, siguro pag sinabi ni Willie na ..”Nay Cristy, himurin mo ung pwet ko tinatamad akong mag hugas eh”

    sigurado ko, gagawin mo un.

    hahaha.

  7. BAKIT GANON MGA TAO? HINDI PORKE’T NAMIMIGAY NG BAHAY O PERA SI WILLIE SA WOWOWEEE IBIG SABIHIN GALING SA KANYA UN PERA!! HELLLOOOO GALING SA MGA SPONSORS UN HINDI NYA UN SARILING PERA!!!

  8. Watch ou! mga ilang araw lang o buwan may bago na namang issue dyan kay Willie…look minsan ngang nakapanood na naman ako ng Wowowiiie nakita ko na naman kung paano hiyain at pagalitan ang mga tao…kawawang mga nilalalang…kinakain na lang ang pride nila dahil ang amo nila ay sobrang taklesa…WALA NG GINAWA SI WILLIE KUNDI ANG TOPIC NYA AY “AKO” “AKO” “AKO” …sa psychology pag ang laging kuwento mo ay AKO masyado kang conceited na tao!

  9. Parang bagay na Atty. Cristy Fermin, lagi kasing si Willie na lang ng si Willie ang nasa kukote mo,sabagay sa taong naaambunan ng grasya walang kaduda duda di mo makikita ang mga mali sa taong pinagtatakpan mo. Hindi nga tatakbo pero sa pahiwatig para mapag-usapan sya feeling kunwari tatakbo…KAYA LAGI NYANG BINABANGIT ANG LINYANG “SHOWBIZ NA SHOWBIZ” alam na alam nya ang kanyang pambobola…Saka as simple as this” kunwari tumutulong eh ang kapalit nyon eh milyon milyon sa kanya…kaya ang suma tutal ” MAS HIGIT NA SYA ANG NATUTULUNGAN NG MGA TAO KAYSA SIYA ANG NAKAKATULONG SA TAO” ilan yong istead na maghanap buhay para may makain ang pamilya eh umaasa na lang maghintay sa kapipila sa ABS-CBN…na ilan lang out of thousand people ang mabibiyayaan sa araw na yon. Think of the ratio….LAM KO NAMANG MAY UTAK KA RIN…KAYANG KAYA MO NGA CRISTY NA PAIKUTIN ANG ISSUE EH…HOPE NAGBABASA KA RIN NG MGA KOMENTO…

  10. I don’t think Willie will beat Bistek if he runs in QC. He should stay out of politics. Also he should keep his cool when it comes to dealing with his staff, it’s really inappropriate to embarass them on TV. You can’t be perfect and nobody is perfect, also avoid insulting wowowee participants

  11. Kris should think first before saying something. Tulad na lang ng sabihin niya sa buong mundo na Joey Marques gave her STD, hindi ba niya naisip na magiging bahid sa pagkatao ng mga anak niya iyon. Sigurado na her kids would be a butt of joke in school, or people who hates their mom will tell them,” nanay mo nagkatulo”. She should be humble, para people won’t get back at her kids, kaso sa mga sinasabi niya sa mga shows niya, puro kayabangan at pagbubuhat ng sariling bangko. Saka bakit siya lagi ang nangunguna sa mga relief operations ng abs, she wasn’t doing this before, 360 degrees turn, siya ngayon na tatakbo kapatid niya, all of a sudden nag reach out siya sa mga thypoon victims?

  12. eto talagang si cristy na to, bakit ba galit na galit ka kay Kris; siguro hindi ka nakakatanggap sa kanya ng lagay ano? mukhang pera ka kasi. Si Kris maraming natutulungan, ikaw kaya ano nang nagawa mo para sa bayan?

    • nagpapapansin lan yan si cristy kasi nawala sya sa limelight magmula noong nagalit si kris sa kanya. kung sino man ang may malaking bibig dito walang iba kundi si cristy hindi si kris! meron naman kasi sigurong mga balita na pwedeng i-off the record pero sinusulat pa ni cristy dinadaan lang sa mga blind items kuno. atsaka bakit ang mga blind items ni cristy kung hindi tungkol sa BO, sa maduming kuko, magaspang na skin, halitosis… look who’s talking di ba?

  13. dapat lang magpabayad ng malaki ang artista, sa laki ng tax nila, kinocorrupt lang ng gobyerno…. cge mga artsta, pagsamantalahan nyo mga pulitikong hunghang..hahah

  14. kung matatalo si noynoy sa darating na election, walang dapat sisihin kundi iyong mismong kapatid niya na si kris aquino! tama na kris ang pagbubuhat ng bangko..hintayin mong iyong mga natulungan mo ang magsalita ng pagiging generous mo..huwag mong ipangalandakan..please lang!

  15. kung sino man yang artista walang siyang prinsipyo! dapat bayaran muna para i-endorso ang isang politician! di kaya ito ang alaga ng isang manager na mahilig mag casino lol!

  16. hoy cristy! sana nga tumakbo yang amo sa pulitika..nang maubos ang pera niya at sigurado nman akong di mananalo yan…himurin mo na lang yagbols niya para may silbi ka!

  17. Si Willie man o hindi, sana magdahan dahan na rin si Kris sa kanyang statements na binibitawan. Tuloy, marami ang babaligtad pag hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

    • yes i agree…kris needs to shut her mouth..i was watching the buzz the other day and she was saying like support maja coz she’s mabait she’s not malandi(i have nothing against maja, i love her,,,) but kris really needs to stop being so blunt being she is starting to sounds like uneducated…and also during the pbb twins guesting..she whining or something about her head(hypo…whatever)…i mean my God..wala lang si ruffa nag inarte na sya…cant she wait for the commercial…

      • she was having hypotension daw…and she’s asking for sweets.sa pagkakaalam q ang sweets ay binibigay to diabetic patients kung inaatake to maintain the sugar level.f ur having hypotension u just have to put ur head na level sa heart pra mas madali ang circulation of blood and do some ankle pumping.pro like q pa rin c kris.u have to accept her or hate her but what u see s what u get.minsan it’s refreshing a person like her pra maiba nman sa mga tga showbiz.

      • Hypoglycemia. Low blood sugar. Kailangan niya nang sweets to bring her blood glucose up. Ibinibigay ito sa mga diabetics kung nasobrahan ang insulin o uminom nang gamot o nag insulin shot at hindi kumain after 30 minutes. Bababa ang blood sugar level mo, delikado.

  18. ayan ka na naman all praises ka sa amo mong manyak. gago at walang isip ang boboto sa kanya. me alam ba siya sa batas? e di ba batterer siya? kaya nga nilayasan at kinasuhan ng asawa. hinimod mo na naman ang pwet niyang amo mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.