TALAGA PALANG NALULONG sa drugs ang isang napakagaling na young actor.

TALAGA PALANG NALULONG sa drugs ang isang napakagaling na young actor. Kuwento ng isang production staff sa amin, kahit sa taping ay hindi nagpapaawat ang actor sa paghithit ng Marijuana.

Sa isang taping nila sa isang squatter’s area ay nasa isang sulok ang aktor at nag-iisa. Tinanong niya ang isang staff kung puwede niyang gawin ang kanyang bisyo. Sinabihan siya na medyo lumayo siya nang konti para hindi maamoy ang hihithitin niyang Marijuana. At since basurahan ang kanilang setting, hindi nabisto ang aktor sa kanyang bisyo.

Ngayon ay wala na ang career ng premyadong aktor na ito. Kawawa naman siya dahil may anak pa naman siyang dapat alagaan.

(Alex Chika)

loading...

3 thoughts on “TALAGA PALANG NALULONG sa drugs ang isang napakagaling na young actor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.