Takubit si Mayor?

BAGAMA’T AYAW ko sana, pero dahil na rin sa ka-sabihang “due to insistent public demand”, bibigyang-daan ko ang isang blind item patungkol sa isang playboy na mayor sa Metro Manila.

Marami akong kilalang playboy, ngunit itong si Mayor ay bukod tangi. Kaiinggitan siya ng mga playboy na binansagang “takusa” (takot sa asawa) dahil sa kanyang walang pakialam na istilo.

Sa kabilang banda, puwede rin siyang mabansagang “takubit” (takot sa kabit) ng mga takusa dahil hindi niya kayang sawayin ang kanyang number 2.

Si Mayor at ang kanyang mabait at mapagmahal na misis ay parehong pumupunta sa isang kilalang hair salon. Ang siste, si number 2 ay doon din pumupunta para magpaayos ng kanyang buhok.

Minsan, nagpang-abot si Misis at si number 2 sa nasabing salon. Nauna si Misis at dumating si number 2 pagkalipas ng ilang minuto. Ipinakita raw ni Misis ang kanyang pagiging propesyonal at disenteng ginang, at hindi ito nag-react. Bagkus, bakas sa kanyang mukha at anyo ang pagiging relax.

Pero si number 2 raw ay ‘di mapakali at palakad-lakad sa loob ng salon habang may kinakausap sa cellphone. Ayon sa aking mga sniper, si Mayor daw ang kausap ni number 2 at binubulyawan niya ito kung bakit hindi sinabi sa kanya na pupunta pala si Misis.

 

BAGO KO ipagpatuloy ang ating blind item, isa munang intermission. Nais kong papurihan ang Villar Foundation na pinamumunuan ni Cong. Cynthia Villar. ‘Di tulad ng ibang foundation, ang Villar Foundation ay nagbibigay ng livelihood program para makabangon sa kahirapan ang mga naghihikahos nating kababayan.

Tugma ito sa kasabihang “huwag silang bigyan ng isda, bigyan sila ng pamamaraan para makapangisda”. Sa ganitong sistema nabibigyan ng dignidad ang mga mahihirap nating kababayan. Dahil sa kanilang sipag, tiyaga, at sa tulong ng Villar Foundation, gaganda ang kanilang mga pamumuhay.

 

BALIK TAYO sa ating blind item. Akala ng mga taga-salon, dahil sa insidenteng iyon, pagsasabihan ni Mayor ang kanyang number 2 na humanap na ng ibang salon para iwas sa gulo. Pero tila wala raw pakialam si Mayor dahil patuloy pa rin ang pagpunta ni number 2 sa salon na iyon.

Ang siste pa nito, kapag nagpapa-schedule daw si Misis sa nasabing salon, ang mga empleyado roon ang siyang gumagawa na lang ng remedyo at sinisiguro na hindi tutugma ang kanyang schedule sa schedule ni number 2.

Kamakailan, si Mayor naman daw ang gumawa ng eksena sa nasabing salon ayon sa aking mga sniper. May isang flawless na customer ang natipuhan daw ni Mayor na kasabay niyang nagpapaayos ng buhok.

Parang may bulateng sumasayaw-sayaw raw sa puwet ni Mayor dahil hindi ito mapakali hanggang sa hindi na siya nakatiis at lakas-loob na nilapitan niya ito. Nagpakilala siya at hiniling niya rito kung puwede silang magpa-picture. Nagpaunlak naman daw si Flawless.

Pagkatapos ng picture taking, humirit pa raw si Mayor dito ng cellphone number.

 

SI FLAWLESS ay isang model at aktres na kasalukuyang may boyfriend. Ang tanong, eh sino si Mayor?

Dahil it’s a very good day today, ayokong kabahan si Mayor, kaya ire-recommend ko na lang sa inyong kalooban na huwag malagay sa lugar ni Mayor para iwas sa stress. Sino si number 2? May mga kapatid siyang babae sa parehong industriya na kanyang pinagtatrabahuhan. Iniwan niya ang kanyang mister kapalit ni Mayor. Ngayon, ang pangalawang tanong ninyo hinggil kay Mayor, iiwan kaya ni Flawless ang kanyang boyfriend para maging number 3 ni Mayor?

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Takubit si Mayor?

  1. He he he he ,,, Tuwang tuwa ako sa mga Blind Item mo Raffy kasi napakadaling alamin kung sino sila. Di tulad ng mga baklang walang bayag na kung mag Blind Item ay pahihrapan ang utak mo sa Kakaisip…. Eto ang Sagot ko:
    Sya si Mayor Echeverri ng Caloocan City,, Ang No. 2 nya ay walang iba kundi si Marjorie Barretto na Kapatid ng butangerang si Claudine at ang mapang agaw ng asawa na si Gretchen. At ang iniwang asawa ni Marjorie ay si Dennis Padilla.. Ang inagawan namang asawa ni Gretchen ay si Dennis Yabut na asawang original ni Tony Boy Cojuangco na anak ni Mayor Yabut ng Makati. Si Claudine naman ay muntik muntikanan na kay Jinggoy na balita ay panay na ang paramdam sa kakapadala ng Text messages. Walang Hihirit !!!!!!!!

    • P.S. ( Pahabol Sulat)
      Gaya gaya yang si Mayor Echeverii kay Mayor Macario “Boy Manok de Kabayo”  Asistio,,, na marami ring kabit na pagyaoy ginagawang waswit. Kakainggit naman ang maraming pera na nakurakot sa kaban ng Caloocan City. Mga Muslim kaya sila na pwedeng marami ang asawa na hanggat kaya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.