Takot sumali sa beauty contest
Lauren Young, aminadong ‘di kayang tapatan ang sister na si Megan Young

AMINADO SI Lauren Young, natatakot siyang sumali sa beauty contest at sundan ang yapak ng kanyang kapatid na si Maegan Young na siyang representative ngayon ng Pilipinas sa kasalukuyang ginaganap na Miss World pageant sa Indonesia. Kahit pa nga may mga nagsasabing like her sister, potential beauty queen nga rin siya.

“It’s hard to follow the footsteps of Maegan,” aniya nga. “Mahirap talaga. Kasi ‘yon nga… the first time she tried joining, nanalo siya. Kaya nakakatakot if I join. Paano kung hindi naman ako manalo. ‘Di ba? And also at the same time, right now…  gusto ko po talagang mag-focus sa acting. Because this is what I love to do. Ito ‘yong passion ko.

“Siguro, bago po ako mag-move on into something else… gusto kong ma-establish muna nang husto ‘yong pagiging artista ko. I want to really make a mark. And to prove to people that I can be a dramatic actress.”

Si Lauren ay isa sa leadstars ng suspense-thriller series ng GMA-7 na Dormitoryo na magsisimula nang umere sa September 22, Linggo, pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS).

Tungkol sa estudyanteng pinatay at nagmumulto sa dormitoryo ang storya nito. In real life ay matatakutin daw talaga si Lauren at nakatulong ito para mas mai-portray niya nang maayos ang kanyang role bilang pinagpapakitaan nga ng multo.

“Kapag nagti-taping kami, tinatakot nila ako palagi!” Natatawang kuwento pa ng young actress. “And nakatulong din ‘yong lugar kung saan kami nagti-taping and the feel of it which is actually very very scarry.

“So sometimes I’m scared kasi naiiwan ako sa isang lugar na minsan dulong-dulo ng hallway.  Tapos kailangang maglakad ako at midnight to go to the camera. And I think one time, I saw a figure. Na hindi ko alam kung ano ba ‘yon. Kasi super far away. Kaya siguro it helped na I’m scared in real life. And also, gina-guide naman po kami ni Direk Jun (Lana). He’s very hands on.”

NAGSIMULA SI Ruru bilang isa sa contestants ng talent search na Protégé. Nakaabot siya hanggang isa sa Final 6. Pero kumpara sa male grand winner dito na si Jeric Gonzales, parang siya ang suwerteng mas nabibigyan ng break sa ngayon.

“Hindi naman po!” Nangiting reaksiyon ng young actor. “Pero natutuwa po ako kasi, akala ko ‘yong winner lang ang mabibigyan ng break, eh. Pero hindi pala. Nagkamali ako.”

Unang napanood si Ruru bilang ka-love triangle ni Derrick Monasterio kay Barbie Forteza sa Paroa. Kasunod nito ay sa pelikulang My Lady Boss kung saan gumanap siyang kapatid ni Marian Rivera.

Ngayon, regular siyang napapanood sa Sunday All Stars at maging sa primetime series na Sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Pero biggest break daw niyang maituturing ang Dormitoryo kung saan kasama niya sa major cast sina Lauren Young, Joyce Ching, Winwyn Marquez, at Enzo Pineda.

“Ginagampanan ko po ang role ni Charlie Chavez na kapatid ni Enzo sa story. Isa po akong nerd na freshman dito na may secret crush kay Hazel (Lauren Young).

“Magiging magkaribal kami ng kapatid ko (Enzo) kay Lauren. At kung kanino siya mapupunta, ‘yon ang isa sa aabangan sa story. Mabait po si Lauren. Nagkasama po kami sa workshop, dati pa po. So, parang magaan na po ang loob ko sa kanya.”

Wala siyang nararamdaman attraction kay Lauren?

“Nagagandahan po ako sa kanya!” nangiting pag-amin ni Ruru. “Pero ‘yong magiging type ko siya… hindi po. Magagalit po sa akin ‘yong kaibigan kong si Elmo!” natawang pagtukoy niya kay Elmo Magalona na boyfriend ni Lauren.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.