Takot sa intriga Borgy Manotoc, urong-sulong sa sahowbiz!

MAGILIW TALAGA si Governor Imee Marcos sa mga taga-showbiz, dahil kahit pasulput-sulpot na lang ay nagpo-produce pa rin naman siya ng mga pelikula. Sa ipinatawag niyang presscon para sa pagsusulong ng kanilang turismo, tsinika ko siya kung bakit ang tipo ng mga pelikulang kanyang pinoprodyus ngayon ay puro may pagka-futuristic ang tema, gaya ng Lam-Ang (kinorek niya na iba pa ito sa napabalitang pagbibidahan ni Rocco Nacino na prodyus ng ibang kumpanya). Wika niya ay iba na raw ang panahon ngayon, at hindi maiintindihan ng mga kabataan kung makaluma ang atake nito.

Nakalulungkot lang na sa ngayon pala ay wala muna tayong maaasahan kay Madam Imee na magprodyus siya ng mga pelikulang gaya ng Himala at Oro Plata Mata noon. Tutok muna raw siya sa pagtulong sa lalo pang pagpapaunlad ng kanilang turismo. Kasama rin niya ang anak na si Borgy Manotoc sa nasabing presscon, kaya naitanong namin sa kanya kung bakit urong-sulong ang guwapong binata sa kanyang pagpasok sa showbiz?

“Parampa-rampa lang siya sa showbiz. Ayaw ko naman siyang pilitin na mag-artista. Una na nga sa kaba niya, dahil hindi naman siya magaling magsalita ng Tagalog. Tsaka parang takot naman siya sa intriga. Ayaw niya. Ang katuwiran kasi niya ay nananahimik siya, ‘tapos kung mag-artista ay baka maging magulo lang. Kaya bahala siya. Hinahayaan ko lang siya,” wika ni Gov. Imee.

 

BLIND ITEM: Parehong sumikat ang mga aktres na itago natin sa mga pangalang Ruby Santos at Sunshine Valera sa panahon ng kanilang kabataan, hanggang sa ngayon na itinuturing na silang kapita-pitagan sa mundo ng aliwan. Iyon ay sa dahilang hindi matatawaran ang naiambag nilang talento sa mundong ito ng mga artista. Marami ang nagnanais na pagsamahin sa proyekto ang nabanggit na mga aktres, pero hindi sila pupuwedeng pagsamahin.

Walang problema kay Sunshine kung magkasama sila ni Ruby sa isang project. Parang si Ruby ang may problema, dahil kahit kailan ay wala siyang ipinapahayag na pagnanais na makasama niya sa anumang proyekto si Shine. Magaling lang kasi silang pareho magdala, pero ang totoo ay para nga silang langis at tubig na hindi puwedeng pagsamahin. Kung bakit ay sa dahilang alam kasi ni Ruby, na ang husband niya at sikat na aktor na si Patrick Ferrer ay sobrang nagkagusto kay Sunshine.

Dalawang beses nagkasama sa pelikula bilang magkapareha sina Sunshine at Patrick. Makarisma sa mga kalalakihan ang ganda ni Shine, dahil bukod sa maganda ay malaki ang agwat ng edad niya kumpara kay Ruby. Ligawin kasi ng mga lalaking may edad na si Shine. Mataas ang respeto ni Shine kay Patrick, kaya kahit alam niyang dead na dead sa kanya ang Playboy na aktor ay hindi niya pinatulan. Dahil doon ay malaki ang selos ni Ruby kay Miss Valera. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin sila magkasama sa project. Palihim na tumatanggi at umaayaw si Ruby.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Takot sa intriga Borgy Manotoc, urong-sulong sa sahowbiz!

  1. Takot dahil sa effect ng pangungurakot na dala dala ng pangalan niya. M A R C O S. Sins of the father. In his case, sins of the grandfather. . and the grandmother. . .and the uncle, , ,and the aunt. . .and mommy Imee. Siguro matatapos lang ito kung isosoli ang ninakaw. ANG TAGAL NA. . . .Hindi lang pangungurakot pala. Mayroon ding maraming ASSASINATION na naganap. Buhay na inutang. . .

  2. try and try until u die borgy! hahaha kahit in the end puro flops at hindi alam ng madlang pipol na may lam-ang o may anime movie pala na pelikula ka o kung may pelikulang ganun pala. anime ba talaga???? hahahahaha. mayaman ka naman borgy kaya go lang ng go! hahaha

  3. pera lang nagpapaikot sa buhay ng tao importanti pa ito kahit kay fucking godd dahil nagsasalsal sya sa heaven

Leave a Reply

Your email address will not be published.