Takot na masapak ni Matteo Anak ni Sylvia Sanchez, iwas sa crush na si Maja!

BUKOD SA champion swimmer na si Akiko Thomson, showbiz crush din ng newest Kapamilya star na si Arjo Atayde ang young star na si Maja Salvador, na ayon sa guwapong binata ni Ms. Sylvia Sanchez ay napakabait at napaka ganda.

Pero natatawa at pabiro nitong sinabing wala raw siyang balak na ipaalam o sabihin nang harap-harapan kay Maja, dahil baka masapak daw siya ng napapabalitang karelasyon nito o masugid na manliligaw na si Matteo Guidicelli na napabalita nga naman noon na sinapak ang ABS-CBN gem na si Coco Martin.

Kuwento pa ni Arjo, wala naman daw sigurong masama kung crush niya at hinahangaan ang ganda at kabaitan ni Maja. Hindi naman daw nangangahulugang aagawin na nito ang young star kay Matteo, if ever ngang may mas malalim nang pingsasamahan ang mga ito.

Sa ngayon daw, focus si Arjo sa kanyang pag-aartista kung saan kasama siya sa E-Boy, at masaya nga nitong ibinalita na excited na siyang mapanood ang sarili ngayong araw, kung saan ipalalabas ang kanyang unang na-taping.

 

BALIK-TAMBALAN ANG guwapitong si Carl Guevarra at ang unica hija ni Ms Jean Garcia na si Jennica Garcia sa GMA-7 primetime soap na My Beloved, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaya naman pihadong magiging masaya na naman ang mga fans ng dalawa. Kung maaalala, sa Bantatay pa ang last show nilang magkasama na siyang last show ni Jennica, samantalang napanood pa si Carl sa Blusang Itim after Bantatay.

Kapatid ni Marian ang role ni Jennica bilang si Monica at si Carlo ay ang BF niyang si Junic, isang security guard na mapapatay at lalabas na multo sa buong story ng My Beloved.

Maganda ang pangangatawan ngayon ni Carl, dahil na rin sa masyadong nahilig ito sa sports nang mabakante at naghihintay ng proyekto sa GMA-7. Sumasali siya sa marathon at nagti-training sa sasalihang triathlon next year. Ipinagmalaki nitong tinakbo niya ang 42kms. nang three hours at 21 seconds.

 

BOUND TO South Korea ang all-male sing and dance group na contract stars ng GMA Artist Center at mainstay sa Party Pilipinas at Kusina Master ng GMA-7, ang Down To Mars na binubuo nina Kenji Chua, Jefferson Song, Jang Seung Ri, Yheen Valero at Kiro Rivera, dahil doon kukunan ang kanilang music video.

Excited na nga ang mga ito na mai-release ang kanilang 1st album, kung saan si Kenji mismo ang nagsulat ng mga kanta na gagawan pa ng MTV sa South Korea at gagawan ng sayaw ng manager ng grupo at itinuturing na champion sa paggawa ng mga sayaw na nagiging instant hit sa bansa na si The Legend Geleen Eugenio.

Kuwento pa ng grupo, madalas na napagkakamalan silang mga foreigner dahil sa pangalan ng kanilang grupo at sa itsura na hawig sa mga sikat na boyband sa Korea. Dagdag pa nila, isang taon na silang napapanood sa Party Pilipinas, kung saan isa sila sa may pinakamaraming tagahanga among the artist na regular na nagpe-perform doon.

 

NAGING MATAGUMPAY ang launching ng newest addition sa pamilya ng Her Bench via Bench OJ America na si Lucy Hale na napapanood sa sikat na US show na Little Pretty Liars na ginanap sa SMX 1 and 2 ng Mall of Asia kung saan nagsilbing host si Tim Yap.

Nagulat at hindi makapaniwala ang 22 year-old Hollywood star sa grabeng hiyawan at palakpakan nang lumabas ito sa entablado. Sobra-sobrang pasasalamat ang ibinalik nito sabay sabihing ‘Mahal ko kayo!’ sa kanyang mga tagahangang pumunta ng SMX para makita siya nang personal at makunan ng litrato.

Ipinahayag din ni Lucy na very thankful siya sa may ari ng bench na si Ben Chan sa pagkuha sa kanya para mag-endorse ng Bench, at na-ngako itong isusuot niya ang Bench sa kanyang US hit show na Little Pretty Liars na mag ti-third season na.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Takot na masapak ni Matteo Anak ni Sylvia Sanchez, iwas sa crush na si Maja!

  1. lahat ng minention ng writer na toh na mga “artista” eh mga unknown, kabagot basahin ung iba kasi di nga kilala. hay naku

  2. to all friends followers spread this page make it 1 million like if you want god will end POVERTY,WAR,FEMINEN,HUNGER,CRIME,DISIESE,CALAMITY,DISASTER,DEATH check my facebook site Nostra Followers

Leave a Reply

Your email address will not be published.