Takot na mas lalong matabunan… Nadine Samonte, piniling maging Kapatid kaysa maging Kapamilya!

STARSTRUCK BATCH 1 alumna Nadine Samonte is now a Kapatid star! Kumpirmado na mas pinili ng hitad na tanggapin ang offer ng TV5 kaysa lumipat sa ABS-CBN na dati’y usap-usapan lang. Gagawa si Nadine ng isang dramaserye bilang isang first time Kapatid at ito nga ay ang “The Sisters” na ididirek ni

Bb. Joyce Bernal. Makakatambal niya rito ang comebacking actor na si Papa Leandro Muñoz at ang bagong contract star ng TV5 na si Papa Victor Silayan. Huling proyekto ng young actress ang “My Lover, My Wife” sa GMA-7 with Maxene Magalona at Papa Luis Alandy. Ang tanong ng bayan eh, kung mas

aangat ba ang career ni Nadine sa Singko? Malalaman natin sa mga susunod na kabanata. Piryud!

 

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Takot na mas lalong matabunan… Nadine Samonte, piniling maging Kapatid kaysa maging Kapamilya!

  1. magaling naman si nadine samonte,kahit sa gma7 may napatunayan sya at hnd nawawalan ng project kahit papano,nagkapangalan nga yan eh drama rama princes yan,i think kaya sya lumipat dahil alam nyu naman ang gma7 home of favoritism,kong icocompara si nadine kay alex gonzaga malayu yata hnd si alex gonzaga lang ang ka level ni nadine!hhahaah

Leave a Reply

Your email address will not be published.