Takot na magselos si Mariel Rodriguez? Robin Padilla, wala munang leading lady sa next movie

SUPER EXCITED SI Robin Padilla dahil pasok ang pelikula niyang Mr. Wong sa Metro Manila Film Festival. First time kasi siyang makakalahok sa nasabing filmfest kaya ganoon na lang ang pasasalamat ng action superstar.

“Bilang artista, pinangarap kong makasali sa festivial kaya ganu’n na lang ang tuwa ko nang malaman ko na pasok ang pelikula ko ngayong Pasko. Napaka-importante ng Pasko sa ating mga Pilipino kaya napakaligaya ko,” masayang sabi ni Binoe.

Tribute pala ni Robin kay Chiquito ang Mr. Wong, kaya ito ang napili niya para gawin. Idol niya ang namayapang komedyante, base sa character ni Mr. Wong ang papel na kanyang gagampanan. May mga idinagdag sa character ni Robin kaya may pagbabago sa takbo ng istorya.

“Maraming nagmamahal kay Chiquito at isang pagbibigay-pugay ito sa kanya, kaya lang iba na ang takbo ng panahon ngayon. Mga bata na ang gumagawa ng pelikula kaya iba na ang dating. Pati mga writers iba na rin, kaya may bilin ako sa kanila. Dapat tumatak sa isipan ng manonood ang pangalan ni Chiquito dahil siya si Mr. Wong na nagpasikat sa character na ‘yon,” pakiusap ng action superstar.

Hindi kaya mahirapan si Robin sa character na gagampanan niya bilang action-comedian? “Yun ang challenge at kaabang-abang. Si Tatay Chiquito ay isang magaling na comedian, ako naman ay action star. Medyo kakaiba kasi contrast ang personalities naming dalawa pero super hero pa rin si Mr. Wong, kaya walang imposible sa kumbinasyong ganu’n kahit may kaunting drama.”

First time, walang leading lady si Robin sa nasabing pelikula. Umiiwas kaya ang action star na baka i-link sa kanya ang magiging leading lady at baka pagsimulan pa nila ng away ni Mariel Rodriguez. Ayon kay Binoe, nagkaroon raw kasi ng leading man ang dalaga niyang anak na si Kylie kaya pass muna daw siya sa pagkakaroon ng leading lady. “Naiba na kasi ang kuwento, si Kylie ang gusto nilang gawing bida. Sa akin, okey lang ‘yun dahil anak ko si Kylie. Hindi ko pa alam kung sino ang magiging leading man niya. Kahit sino aprub sa akin basta ang importante ay mailunsad ang career ni Kylie kaya pumayag akong mapunta ang focus ng istorya sa aking anak.”

Sinigurado ni Robin na palaging may oras siya para kay Mariel at kina Kylie at Queenie. “Sinisiguro kong may oras para sa kanila. Hindi ako nagtatrabaho ng Sabado para may time ako sa misis kong si Mariel. ‘Pag linggo naman, kasama namin ang mga anak ko.”

Inamin rin ni Robin na hindi na niya kaya na walang tulog unlike before na okey sa kanyang magtrabaho kahit sagad-sagaran, kahit na raw araw-araw.

“Hindi na tayo kasing bata na tulad ng dati. Iba na ang energy ko ngayon unlike before. Saka iba talaga ang may nag-aalaga, kasi dati pag-uwi ko wala naman akong kasama sa bahay na nag-aalaga sa akin, mabigat. Mabuti na lang at nandoon ang mga anak ko. Pero malalaki na ang mga anak ko ngayon. Saka gusto ko rin naman na mabigyan ng tamang oras ang aking asawa,” aniya.

After ng teleseryeng Guns and Roses, mala-sitcom naman ang susunod na project ni Binoe with Angelica Panganiban.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Takot na magselos si Mariel Rodriguez? Robin Padilla, wala munang leading lady sa next movie

  1. kung naiinis kau sa isang artista d wag kaung manood sa programa nya dba? ang mas mabuti nalang gawin lahat ng nagcocomment ng negative eh magbasa nlang ng bible para malaman nya lhat ng utos ng Diyos at ipamuhay at pakibasa nlang sa sa Bible sa LUKE 6: 36 Do not judge, and you will not be judged…..tanggalin mo muna ang puwing sa iyong mata bago mo tanggalin ang puwing sa kapwa mo….God Bless all…

  2. i agree with you she is a very nice person/actress hindi plastik kawawa lang sa mga nega but she’s holding up hindi nag level sa mga idiots and bastos.
    WOW.. this is a new ROBIN PADILLA………Respects his wife and shows how much he really loves her by giving up his saturday just for her and a good dad  by spending sunday  with his dalagas.
    CONGRATULATIONS ROBIN AND MARIEL U GOT IT GOOD THIS TIME MAGPAKAMABAIT KA KAY ROBIN YOU R VERY SPOILED ….SUWERTE KA U MET HIM NOW KUNG NOON BAKA PAREHO KA NG IBA IYAKAN LANG.
    PLS TAKE GOOD CARE BOTH OF YOU.

  3. I love Mariel. magaling sya na host. very unorthodox,magaling sa adlib. sa mga taong naninira kay Mariel alam namin natin kung sino sila. easy to get? well at least pinakasalan at d katulad ng ibang artista or karamihan ng artista na kung saan saan na sumasama sa bf kahit d pa kasal and mga nag lilive in. they love each other  kaya sila nagpakasal. People who worked behind HYY twitted how much they love and missed Mariel in HYY. according to them wala na daw masayahin sa dressing room. those people are working sa productions. Doon ako naniniwala sa mga taong nakakasama than than narrow minded fans saying bad words sa taong d nga nila nakakasama. And lastly, try watching HYY live. Si Mariel lang ang host ang nakikipag interact sa crowd during breaks. She’s very accommodating, d suplada kaya a lot of TFC subsribers like her after seeing her in person. D lang sya bubbly sa tv pero mas grabe pa sa personal!!! 

  4. hello dito sa mga taong naiingit kay mariel ? si mariel ay nag- hahanapbuhay lang kamukha nang iba sa inyo. kong sa tinging ay oa siya yung lang yung huwag ninyung panoroing dahil lang kayo ang tao sa mundo . hindi naman na kayo dinidisturbo niya tarbaho niya yung at marami pa rin naman ang may gusto kay mariel . oa manam siya hindi na manam siya plastik nang gaya ninyo. , at ito masasabi ininyo mahahaang dila huwag ninyo siyang siranang dahil hindi ninyo siya kilala. kayo kaya ba ninyung gawing ang kanyang trabaho ? at leash may siyang magandang mukha at hindi mukha ninyo , stupid kayo.

  5. Boy Abunda, sobra na ang pangda damage control mo. Inilabas mo pa ang huling bakasyon ni Mariel at Binoe dahil pinadalhan ka ni Mariel ng kuha nila sa beach. TAKAW PUBLICITY NA ANG DALAWANG ITO. IKAW NAMAN ABUNDA, GINAGAMIT MO PA ANG SNN PARA I-PROMOTE ANG LAOSINA. KAKADIRI.

  6. PFT!!!! C MARIEL NA EASY TO GET…INSECURE DIN PALA…PEDE BANG ILAYO MO NA YANG MARIEL NA YAN SA TV,,AT TUWING NAKIKITA KO PAGMUMUKHA NYA SA HAPPY YEHPPE HEYEY ,,PARA GUSTO BATUHIN NG TSINELAS SA OA HAN NYA!!!! BOY ABUNDA!!! ILAYU M ALAGA MO ILAGAY M N LNG SA GMA YAN!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.