Takot mabasted: Sam Milby, nagsisiguro kay Sarah Geronimo!

ILANG BESES NA nga bang sinabi ni Sam Milby na crush niya si Sarah Geronimo sa kanyang mga interbyu? Pagpapahiwatig ba ito na may gusto siya sa Young Superstar? Palaisipan, bitin, hindi malinaw kung ano talaga ang intensyon ni Sam sa dalaga. Ano nga ba?

Thank you lang ang naging reaction ni Sarah sa naging pahayag ni Sam. Hindi niya binigyang-malisya ang pagpapalipad hangin ng binata. Ibig kayang sabihin ng Pop Princess, hindi siya interesado sa ginagawang pagpaparamdam ng aktor sa tele-musical show nilang Idol? Maraming movie writers ang nakapansin kay Sam sa set na panay ang emote nito habang ini-interview nila ang dalaga. Tipong nag-i-emote ang binata pero deadma lang ang young actress na parang walang nakita kahit panay ang daan nito sa harapan niya.

Seryoso na nga diumano si Sam sa tunay niyang saloobin kay Sarah, lalo ngayong nakasentro sa kanila ang istorya ng Idol na sinagot niya ang hunk actor sa romantic scene nilang dalawa. Feel na feel daw ni Sam ang nakakikilig nilang eksena ni Sarah. Ayon sa singer/actor, mas komportable raw sila ngayon ng Young Superstar kahit madalas pa rin siyang tawaging Kuya ng singer/actress. Naiilang naman ang guwapong aktor tuwing tinatawag siyang Kuya nito.

Hindi lang kaya madiretso ni Sarah si Sam na tigilan na nito ang pagpapa-cute tuwing nagkikita sila sa set. Knows naman kasi ng dalagang mahilig sa magaganda’t seksi ang singer-ackor, hindi ang tipo niya ang magugustuhan nito. Alam ni Sarah, hindi siya kagandahan at hindi siya sexy pero sikat naman! Ayaw naman niyang isipin na ginagamit lang siya ni Sam para mapag-usapan at muling manumbalik ang sigla ng showbiz career nito.

Kung talaga raw malinis ang hangarin ni Sam kay Sarah, dapat sana’y pormal siyang humingi ng permiso sa dalaga at kay Mommy Divine na aakyat siya ng ligaw sa kanilang bahay. Kung mangyayari ‘yun, pagpapatunay na totoong seryoso nga siya sa gagawin niyang panliligaw.

Siyempre, pakikiram-daman muna ni Sam si Sarah kung may pag-asa, hindi naman basta na lang siya manliligaw na walang aasahan sa kanyang nililigawan. Kailan kaya namin maririnig na sasabihin ni Sam in public na liligawan niya ang Pop Princess? Sasaludo kami with matching palakpak kay Sam Milby kung magkakatotoo ito!

Right now, ini-enjoy ni Sam ang pagkanta at hilig sa musika. Aside sa pagtugtog ng gitara, marunong din siyang mag-piano. Dalawang songs na ang puwede niyang tugtugin nang buo na siya mismo ang nagpi-piano. First time kasi niyang gumawa ng tele-musical show kaya patuloy ang pag-aaral niya ng iba’t ibang kanta na piano lang ang background music while singing.

BUBULABUGIN NI MOCHA Uson ang mundo ng showbiz sa bago niyang advocacy tungkol sa breast cancer awareness campaign this October. Nahirang ang sexy singer bilang spokeperson o ambassadress ng Philippine Foundation for Breast care, Inc. (PFBCI) na naka-base sa East Avenue Medical Center, Out-Patient Dept., Ground Floor, East Ave, Quezon City.

Ito’y sa pangunguna ng mga opisyales na sina Lourdes Cortez, Pres. Elisha Martinez, Vice- President Evette Demaisip, Sec. Elizabeth Pineda, Tresurer and Pearl Imperial, P.R.O. Ito ay sa pakikipagtulugan ng Balintataw Film and Theater Arts na pinamumunuan ng Artistic Director na si George Vail Kabristante.

Sa October 12, 2:00 p.m. ay magkakaroon ng “Kapuso Love Affair” isang pagtitipon at selebrasyon ng PFBCI na isasagawa sa 2nd floor conference room ng East Avenue Medical Center para sa mga pasyente, kaibigan at mga supporters ng nasabing foundation na ang hangarin ay maipapalaganap ang nasabing advocacy.

Sa nasabing pagpupulong ay hindi mangingimi si Mocha Uson na ipapakita o ide-demonstrate ang isa sa mga paraan kung papano made-detect na ang isang babae ay may sintomas ng breast cancer o ‘di kaya sa iba pang breast-related disease. Ito ay sa paraan ng paghipo niya mismo sa kanyang suso para maituro ang tamang technique sa mga hindi pa nakaaalam kung paano ito gagawin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

15 thoughts on “Takot mabasted: Sam Milby, nagsisiguro kay Sarah Geronimo!

  1. pra sa nagsbi ng impokrita… na m8 mo na ba si sarah at ganyan ka magsalita.. hmmm kung mag husga ka parang nagkakilala na kayo.. pero buti nalang at di pa kayo nagkakila kasi baka pagtalikod niya at dami mo ng sinasabi..

  2. 3 weeks ago napanood ko yung lastikman ba yung title nun sa tv.. si mark baustita ang bida partner nya si sara oh my gulay, yung ilong ni sara di pa nareretoke nung time na yun.. ang laki mala mike enriquez kahit may contour na make up na.

  3. totoo bang 2 wks na lang daw? naka 1 season ba to? parang first time atang nangyari sa isang show ito. inantay lang makapirma ng exclusive contract si Sarah bago inalis yung show. I think may ibubuga pa itong si Sarah, medyo na-damage lang due to recent events. Like may secret BF pala, tapos ung nasobrahang election endorsements, tapos yung pagtanggi sa movie with JLC na biglang binawi nung hindi ganon ka-big hit ung movie with Juday. I hope makalaya si Sarah sa sobrang paghawak ang parents nya sa career nya. Since hindi na sya baby, kung makikita ng tao na kaya na nyang gumawa tamang descisions at wag puro easy money ang projects nya. All the best to you Sarah. Mga fans, suporta ng husto :)

    • lovers in paris ended earlier mga less than a month i guess so if idol will be axed this early, it’s not the first teleserye to end in no time…

  4. Nakakaawa naman ang mga haters bi Sarah…naku mga ineng…maghunusdili kayo…in other words..hinayhinay lang kasi sa law of karma..pag nagalit ka sa isang tao na wala namang ginagawa sa inyong masama eh babalik at babalik sa inyo ang mga negatives na ibinabato nyo….buti pa..if ayaw nyo si Sarah…eh dun na lang kayo sa favorite star nyo!

  5. Nakakaawa naman ang mga haters bi Sarah…naku mga ineng…maghunusdili kayo…in other words..hinayhinay lang kasi sa law of karma..pag nagalit ka sa isang tao na wala namang ginagawa sa inyong masama eh babalik at babalik sa inyo ang mga negatives na ibinabato nyo….buti pa..if ayaw nyo si Sarah…eh dun na lang kayo sa fan nyo !

  6. masyado naman yatang late itong pakilig na write-up na ito, me gf na si sam si marie digby yata yung name ng girl. yung huling movie pa nila ni anne curtis nun ginawan nyo rin ng pampakilig na write-up para pa promo sa movie, pero that time me bf na si anne at eto naman si sam meron na rin dine-date nun si marie nga…

    kung kelan naman malapit ng matapos saka lang ginawan ng paraan para i promote ang IDOL. too late na siya…. kung manligaw kunwari palabasin na nag swi-sweetan sila sa set, napapataas pa ba kaya ang rating IDOL?

  7. pa kitang tao lang lahat yan ni sarah pero ang totoo walang kuwenta yan gaya ng ina nya mukhang pera oo nga may k sya sa pag kanta sana lang may k din ang inside nya kaya lang ang totoo Oa sya mas ok sya noong baguhan sya natural sya ngayon plastic at kire sya

  8. i am not a fan of Sarah but i must admit i’m soo impressed with all her performances in asap ,, napaka-talented ng girl na ito, to the highest level!! ang nakkatuwa sa kanya,,, parang hindi nya alam na she’s soo pretty at oozing with sex appeal, dahil napakasimple, childlike at humble pa rin nya despite her good looks & achievement in life.. walang kaere-ere kumpara sa ibang artista dyan. no wonder maraming guys ang nagkakacrush sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.