Takot iwan ni misis; Anak ng general, nagbigti

LAWIT ANG dila’t, tirik ang mata at naninigas na nang matagpuan ang isang anak ng dating city director ng Bacolod City Police Office matapos na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang kadena kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nagpakamatay na si Amado Marquez III, 30, ng Brgy. Alijis, Bacolod City.

Batay sa imbestigasyon, nag-away umano ang biktima at misis nito noong Miyerkules ng gabi dahil nagpupumilit ang babae na mangibang-bansa upang magtrabaho.

Napag-alaman na wala namang trabaho si Amadeo kung kaya napag-isipan ng misis na mag-abroad ngunit hindi ito pumayag.

Pasado alas-10 ng gabi nang umalis sa kanilang bahay ang misis matapos silang mag-away ngunit hindi nito inaasahan na magpapakamatay ang mister.

Ang biktima ay anak ni dating BCPO Dir. Amado Marquez Jr.                (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.