Taklesang Sexy Star, ibinebenta ang mga gamit na hindi sa kanya!

OLA CHIKKA! HINDI ko mainitindihan kung bakit paboritung-paborito kong ito si Manny Pacquiao nitong mga nakaraang araw. Kung kahapon ay galit na galit ako sa demanda issue na ‘yan, pero ngayon ay tawang-tawa ako. Take note! Tawang-tawa, hindi tuwang-tuwa, ah!Ayon sa aking parazzi girl, naispatan raw niya itong si Pacman at isang Kano as in American fan na nagpapa-picture. Habang nagpapa-picture ay sinabi ni Pacman sa Kano, “Stop fooling her!” Aba siyempre, na-shock itong Kano at sinabing “What did you say? And what do you know about my personal life to judge me that way?”

Ginawa ni Pacman ay inakbayan itong kano na nagpupumiglas pa at sinabing “Oh! I told you, stop fooling her. You better use the shampoo that I am using to stop fooling her!”

Bakit nasabi ni Pacman ‘yun? Dahil itong fan niya ay kalbo! Oh, ano’ng say n’yo?! Say ko? Eeewww!

Kaya ayun kahit sa sobrang galit na nitong Kano ay bigla na lang ding natawa. Korni!

TAMA NA ANG joke time at dumako tayo rito sa aking inaanak na si Francine Prieto. Talaga namang naaawa ako rito sa batang ito dahil mula pagkabata pa lang ay kilala ko na sila ng kanyang pamilya. Itong si Anna Marie Falcon na knowing natin sa pangalang Francine Prieto, bata pa lang ay puro hirap na ang pinagdaraanan. Halos kurutin na nga siya, makaarte lang at tumulo ang luha. Nang tumanda ay isinali naman siya sa Bb. Pilipinas, na kapag natalo siya ay magbo- boldstar na lang daw siya dahil na rin sa mga sulsol ng mga taong nakapaligid sa kanya. At natalo nga siya, kaya doon nabuhay sa Seiko Films itong si “Francine Prieto”.

Nang sumakabilang buhay ang kaniyang ama ay doon niya lamang nalaman na ampon lang siya. Dalaga na siya nang malaman ang katotohanang ito. Kaya naman nang malaman ng mga kapatid niya ito ay nawalan ng respeto sa kaniya. Kapag hindi siya nakapagbibigay ng pera ay inaaway siya. Tapos ngayon, may sakit pa ang mommy niya.

Pero ang masasabi ko lang, lakasan niya ang kanyang loob at ‘wag kalimutan ang Diyos. ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO itong taklesang sexy star na nuknukan sa kasamaan ng ugali na ibinebenta ang gamit na hindi sa kanya?

Ang chika?! Itong si Taklesang Sexy Star ay nanghiram sa friend niyang producer ng Louis Vitton bag worth P85, 000.00 at nang kunin na ng producer ay ayun ‘Day, isinangla na ng taklesa at hindi na ibinalik. Maging ang mamahaling Ipod ni producer ay winala na rin. Maniwala akong nawala! Ibinenta na rin niya ‘yun!

Siyempre ito si Producer ay napakabait kaya dedma na lang. Pero alam n’yo ba kung saan kami naloka?! Itong si Producer ay binili ang bahay sa Commonwealth ni Taklesang Sexy Actress worth P4 M. Idagdag mo pa ang utang sa bangko na P2 M plus, kaya halos mga P6 M na ang bahay na binayaran lahat ni Producer.

Ang nakawiwindang sa amin ay nang sabihin ng anak ni Producer na may mga taong dumating sa kanilang bahay, at tanong n’yo kung ano ang pakay? Pumunta lang naman sila du’n upang tingnan ang “house for sale”.

Kaloka talaga itong si Taklesang Sexy Actress, may nakabili na ng dati niyang bahay, hanggang ngayon, ibinebenta pa rin?!

Sino itong lokang Taklesang Sexy Actress?! Naku, kapag minura mo ang teacher mo, malamang siya ang nag-impluwensya nito sa iyo. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Taklesang Sexy Star, ibinebenta ang mga gamit na hindi sa kanya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.