Takbo ni Juan Para sa Iskolar ng Bayan

INAANYAYAHAN NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang mga Navoteño na sumali sa ikalawang pagkakataon sa makabuluhang pagtakbo para sa isa pang programa ng pamahalaan lokal ng lungsod na may temang “Takbo ni Juan Para sa Iskolar ng Bayan” sa darating na November 18.

Ayon sa alkalde, ang nasabing programa ay para makalikom ng pondo para sa ‘NavotaAs Scholarship Program’ at maliban pa rito ang taunang pondo na nalikom ay upang matulungan ang lahat na iskolar na karapat-dapat na mga estudyante upang maabot ang kanilang pangarap na makatapos sa kani-lang pag-aaral.

Nitong nakalipas na taon, nakalikom ng P1-M ang naturang programa na naipamahagi sa higit daan estudyante sa sekondarya at kolehiyo at maging ang mga guro na nais kumuha ng master’s degree.

At sa pamamagitan ng aktibidaes na ito ay maiangat ang kaalaman ng mga constituents ang kahalagahan tungkol sa edukasyon ay kung paano silang makatulong sa scholarship program ng lungsod.

Dahil dito, nanawagan din ang alkalde sa suporta ng iba’t ibang paaralan, barangay, non-government organization, homeowners’ association, mga kumpanya, at pribadong sektor.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpaparehistro at pagtanggap ng donasyon sa Navotas Anti-Drug Abuse and Council (NADAC), 1st floor, Navotas City Hall.

Magsisimula ang aktibidades ganap na alas-6 ng umaga sa C-4 Bridge, Brgy. Bagumbayan North, kung saan kumpletong kasali ang mga taga-lungsod sa gagawing 3k o 5k run na magtatapos sa Navotas Centennial Park.

Maging ang mga grupo ng bikers at skateboarders sa lungsod, malugod ding tinatanggap sa naturang aktibidad na nagpapakita ng kanilang suporta.

Inaasahang higit sa 2,000 ang sasali sa nabanggit na paligsahan na may mga karampatang pa-premyo: P1,500.00, P1,000.00 at P500.00; habang medalya naman para sa 1st hanggang 3rd places.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.