Taiwanese Gov’t, Pinaigting ang Proteksyon sa mga Pinoy

PINAIGTING NG Taiwanese government ang proteksyon sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ito’y kasunod ng umano’y pananakit ng ilang Taiwanese sa mga Pilipino matapos mapatay sa Pilipinas ang isang kababayang mangingisda.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez, tinawagan siya ng Minister of Foreign Affairs ng Taiwan kahapon upang tiyakin ang seguridad ng mga Pinoy.

Dinoble na anya ang

pwersa ng mga pulis na nagbabantay sa mga lugar kung saan naitala ang umano’y panggigipit at pananakit sa mga OFW.

Samantala, kasabay nito, kinumpirma ni Perez ang pagpayag ng Taiwan na tumulak doon ang ilang tauhan ng National Bureau of Investigastion (NBI). Nagbukas na rin naman anya ang Pilipinas para sa Taiwanese probe team.

Nilinaw rin ni Perez na hindi pamahalaan ang nag-alok ng 1 million Taiwanese dollar bilang ayuda sa pa-milya ng nasawing Taiwanese fisherman.

Aniya, magmumula ito sa mga negosyanteng Taiwanese at Pinoy sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.