Taiwanese at Pinoy seafarer, patay sa sumabog na barko 1 pang Pinoy, nawawala

ISANG OPISYAL NG barko na Taiwanese national at isang Pinoy crewman ang nasawi nang sumabog ang kanilang sinasakyan sa southwestern Atlantic Ocean noong Biyernes.

Sa ulat ng Central News Agency (CNA) sa Taiwan, dakong alas-11:40 ng umaga nang biglang sumabog ang barko na FV Lai Ching na may lulang walong Pinoy na tripulante, Taiwanese, Indonesian, Vietnamese at Chinese crewmen.

Pansamantalang itinango ang pangalan ng Pinoy habang kinilala ang nasawing Taiwanese na si Chief Engineer Chang Ching-Chiao.

Patungo sana sa Uruguay ang nasabing barko nang sumabog ito sa hindi malamang dahilan. Nagawa namang sumaklolo ng isa pang fishing vessel na Hsiang Man Ching at tinulungan ang iba pang lulan ng barko.

Subalit sa kasamaang-palad ay namatay ang hindi pinangalanang Pinoy, habang isa ang nawawala at nailigtas naman ang 12 Indonesian, 12 Vietnamese gayundin ang iba pang lulan ng naturang barko.

Hindi naman masabi ng may-ari ng barko kung mechanical failure o man-made ang sanhi ng pagsabog.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Taiwanese at Pinoy seafarer, patay sa sumabog na barko 1 pang Pinoy, nawawala

  1. good day to all..isa pang biktima ng illegal recruter ang dapat managot sa aksdente.at sya ay ngtatago ngaun…dapat maaksyonan n mga yan kasi hanggang ngaun wala pa ngyari sa pg aksidente nila

  2. Alam ko ang illegal recruiter na nakapag paalis sa mga tripulanteng nasawi sa aksidenteng ito.
    Sa katunayan, naka pag pyansya siya matapos makulong kamakailan.
    Mga impormasyon ukol sa kriminal:
    NAME: Ester Paderon
    ADD.: San Mateo Rizal
    CP# : 09184088083/09208701601/09277606989/09214568566
    Kung meron sanang paraan para mag upload ng larawan, maiproprovide ko ang picture nya.

  3. pwede po mlaman ung pangalan mg mga filipino na nkasakay sa fv lai ching. dati po kasi akong nagtrbaho jan.

  4. hello nabasa ko po ang balita tungkol sa fv lai ching na barkong sumabog nong may 2, 2011. isa po sa asawa ng pinoy na nakasakay s barko na sumabog nakariciv po ako ng text na patay na daw ang asawa ko. hindi ko po alam kong maniniwala ako. maari po bang malaman kung sino and mga namatay na mga pinoy doon. Mrs. Rhea A. Senis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.