Taiwan, Walang Bagong Kundisyon sa ‘Pinas

PINABULAANAN NG Pa-lasyo ang report na mayroong panibagong kundisyon na ipinataw ang Taiwan sa gagawing pagsisiyasat ng National Bureau of Investigations (NBI) sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na mismong si Justice Sec. Leila de Lima ang nagbigay-paliwanag na walang katotohanan ang naturang media report.

Una rito, inireport ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang panibagong delay sa biyahe patungong Taiwan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa gagawing parallel investigation sa pagkasawi ng isang Taiwanese fisherman sa bahagi ng Balintange Channel.

Ayon kay MECO Chair Amadeo Perez, nagkaroon kasi nang panibagong kundisyon ang Taiwanese government laban sa ating bansa.

Una nnag tinukoy ng opisyal na nakumpleto na ang clearance ng NBI probe team na kailangan para sa kanilang pagtulak papunta sa nasabing bansa para sa tatlong araw na pagkalap pa ng dagdag na impormasyon.

Samantala, sa panig ng Malacañang, muli ring binigyang-diin ni Valte na nanatiling “highest priority” ng NBI ang gagawing pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.