Taiwan, Nagbanta ng Freeze Hiring vs Pinoy Workers

NAGTAKDA NG tatlong araw na ultimatum ang Taiwanese government laban sa Pilipinas para sa hinihingi nitong formal apology kasunod ng umano’y pag-atake ng Philippine coast guard sa isang Taiwanese fishing trawler na ikinasawi ng isang Taiwanese fisherman.

Base sa report ng Taiwan’s Central News Agency, nagbabala si President Ma Ying-jeou na kanilang kakanselahin ang pagtanggap ng mga Filipino workers sakaling mabigo ang Pilipinas na tugunan ang kanilang kundisyon.

Maliban sa formal apology, hiniling din ng nasabing bansa ang pagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima.

Tinukoy rin sa ulat ang banta ng Taiwan na kanilang pauuwiin ang kanilang kinatawan sa Pilipinas.

Una rito, mariing kinondena ng Taiwanese government ang nai-report na pag-atake umano ng Philippine naval forces sa isang Taiwanese fishing trawler na ikinasawi ng isang dayuhang ma-ngingisda.

Lumalabas sa impormasyong inilabas ng Taiwan’s foreign ministry, nangyari ang insidente sa layong 164 nautical miles sa southermost tip ng isla.

Sinabi sa ulat na bigla umanong pinaulanan ng bala ng isang Philippine government ship ang fishing vessel na “Guang Ta Hsin 28” na may lulang 3 Taiwanese at isang Indonesian.

Sa naturang insidente, namatay umano ang isang 65-anyos na si Hung Shih-cheng at ikinasira ng sasakyang pandagat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.