Tahimik si DPWH Sec. Singson

PINURI PA NG Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang “inaugural speech” si Secretary Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways.

Dahil daw sa ginawa nitong si Sec. Singson nang “silipin at ibinulong” nito kay PNoy ang naglalakihang anomalya ng DPWH noong panahon ni PGMA.

Katunayan, parekoy, sa isang kolum ay pinuri rin natin itong si Sec. Singson dahil napaniwala tayo na talagang masugid itong tagasuporta sa planong linisin ang DPWH.

Ibig sabihin, sa paghalukay sa nakalipas na mga kabulukan sa DPWH hanggang sa pagtitiyak na ang kasalukuyang mga proyekto nito ay hindi mapipintahan ng kalokohan.

Ang siste, parekoy, nalasing noong isang gabi na humantong sa pagyayabang ang isang “tsuwariwap” ni Emmanuel Cuntapay, ang Director ng Special Building Project ng DPWH.

Heto, parekoy, ang litanya ng kumag na ito:

“Walang hindi nabibili sa panahon ngayon! Tingnan n’yo na lang si Sec. Singson, nanahimik na ‘di ba? Nakita n’yo naman noong una ang dami niyang hinahalungkat… eh, ngayon, binubulatlat pa ba ni Secretary ang isyu tungkol sa P230M na renovation ng Quirino Granstand?

Naku, ha? At nakuha mo pang magmalaki na animal ka!

Pero in fairness, parekoy, may “tama” nga ang kolokoy na ito.

Oo nga naman DPWH Sec. Rogelio Singson, mukha yatang nakakakaba ‘yang pananahimik mo!

Ano na nga pala ang resulta sa pagbusisi mo roon sa nakalululang P230M na proyekto ni Dir. Emmanuel Cuntapay?

Ayon kasi sa ilang “insider” na ayaw magsalita dahil sa takot kay Director Cuntapay, ang nasabing “patse-patse” sa Quirino Grandstand bago tumayo roon si PNoy noong inagurasyon ay hindi nga lalamon ng P100M!

Susmaryosep parekoy, kung totoo ito, aba eh, sa loob lang ng ilang linggo ay posibleng kumita si Dir. Cuntapay ng mahigit  P130M!!!

Naku ha, kung mamahagi nga lang talaga si Cuntapay mula sa napakalaking halagang ‘yan eh, maging ang pinaka-madaldal na loro sa DPWH ay mananahimik!!!

Matanong lang po kita Sec. Singson, bakit matahimik yata ang tanggapan mo?

Magkapareho tayo ng hula, parekoy. Hak, hak, hak!!!

Ang balita natin, parekoy eh, nanikluhod daw si Cuntapay sa “santo papa” na ‘wag nang iparating sa “diyos” ang isyu dahil ang kaunting natira raw sa kanyang bulsa ay para naman sa ibang taga “Sandigan Bayan.”

Dahil may asunto raw itong si Cuntapay na kasalukuyang inaasikaso sa Sandigan Bayan upang hindi ito makasagabal sa kanyang retirement!!!

Aha, at naghahati-hati na pala kayo, ha? Hindi ko alam ‘yan! Ehek!!!

May isa pang isyu, parekoy, na nagkaroon din ng kahina-hinalang pananahimik ang tanggapan ni Sec. Singson.

Ito ‘yung limpak-limpak na salapi na ipinondo umano ni GMA para sa “river dredging” sa iba’t ibang lalawigan, ilang buwan bago matapos ang termino nito, kung saan ibinulsa lang ng ilang malalapit na kaalyado noon ni GMA.

Napapaloob ito, parekoy, sa “expose” ni Senator Franklin Drilon kamakailan lamang.

Si Secretary Singson? Wala rin… tahimik din!!!

Pero alam natin, parekoy, kung saan napunta ang malaking bahagi nito.

Ilang linggo lang mula ngayon, isang malaking barko ang magsasagawa ng “maiden voyage” papuntang Romblon, Caticlan at Masbate!!!

Ang gustong makalibre, humingi lang ng “passes” sa may-ari nito… ang “contractor” na si Junjun Lim!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.