Tahimik lang kasi sa issue ni Anne Curtis
Jake Cuenca, bad trip sa akusasyong naduwag daw siya

Jake-CuencaCONSISTENT PA rin si Jake Cuenca sa pagsasabi na hindi niya nakita ang insidenteng pananampal ni Anne Curtis kila John Lloyd Cruz, Phoemela Barranda at sa iba pa nitong mga kasama sa Prive Luxury Bar kung kaya’t naiinis siya at naba-bad trip sa mga sinasabi ng iba na naduwag at nawala na lang siyang bigla nang mangyari ito.

Ayon pa sa aktor, kaibigan niya sina Anne at John Lloyd, pero iba ang kasama niyang mga kaibigan nang gabing iyon. Kausap niya ang ilan niyang mga kaibigan at nu’ng papanhik na siya ay nagtaka nga siya na wala nang mga tao at dahil pala iyon sa nangyaring insidente.

Dagdag na kuwento pa ng aktor, nag-text agad sa kanya si Anne at humingi ng tawad dahil nadamay siya at nagsabi nga siya rito na pasensiya na rin at hindi man lang siya nakapag-hi sa aktres.

Sa issue naman na lumabas na lamang na raw si Sam Milby sa panliligaw kay Jessy Mendiola at ito raw malamang ang sagutin ng aktres, kampante namang nagsabi si Jake na kung sino man ang piliin sa kanila ng kapareha, irerespeto niya bilang isang lalaki, lalo na at hindi naman siya nagmamadali na pumasok sa panibagong relasyon.

Tinuturing na kaibigan si Sam at hindi kakumpetensiya kay Jessy, siniguro ni Jake na magiging masaya siya kung sinuman ang pipiliin nito at hindi siya magiging hadlang kahit kailan sa makapagpapasaya sa aktres.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Tahimik lang kasi sa issue ni Anne Curtis
Jake Cuenca, bad trip sa akusasyong naduwag daw siya

  1. ang sabihin niya baka nasampolan din siya ni anne, at sinabihan ng ‘i can buy you, your friends and this place’… nabili ka rin ba ni anne? hahahaha

    • Or perhaps he is already bought, perhaps lang naman. Of course, he will hold on to his career kaya parang kaplastikan ang mga lumabas sa bibig nya. Iwan ko ba sa taong ito, maski maputi pero parang walang sex appeal, dahil siguro sa ka womanizer, parangang track record parang sunggab na lang ng sunggab pero parang walang sincerity sa mga babae, oarang ginagamit lang ang ibang artista for thebenefit of his career.

Leave a Reply

Your email address will not be published.