Taguig, Posibleng Ikonsiderang Comelec Area of Concern

MAAARING MAPABILANG sa tinaguriang “areas of concern” ng Commission on Elections (Comelec) ang Taguig matapos ang nangyaring karahasan malapit sa city hall nito noong weekend sa pagitan ng mga tagasuporta ng dalawang kandidato sa pagkaalkalde na si incumbent Lani Cayetano at kalabang si Rica Tinga.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na pag-uusapan nila ng Philippine National Police (PNP) kung idedeklara ang Taguig bilang area of concern.

Lumalabas naman sa panig naman ni Commissioner Luie Guia, magde-desisyon sila kung idedeklarang “area of concern” ang Taguig batay sa ulat ng mga lokal na opisyal at pati na rin ng mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.