Taguan Phoem!

Ano’ng itsura kung sa pagrampa ni Phoemela Barranda, may dalawang batang nagtatago sa ilalim ng fashionista dress niya?!

Sikat na TV host at model si Phoem. Isang star patroller ng TV Patrol at segment host ng The Buzz. Nasaksihan din natin ang tapang ng sikmura at lakas ng loob ng dalaga nang sumabak siya bilang participante ng Pinoy Fear Factor Argentina. Panalo rin ang lovelife niya dahil going strong pa rin sila ng fafa niyang gitarista ng Bamboo na si Ira Cruz.

Hindi nagpapahuli si Phoem kung fashion rin lang ang pag-uusapan. Dahil kung rumarampa ang beauty ng co-hosts niyang sina Ruffa, Kris at Boy Abunda, aba, binubusog din n’ya ang mata ng madla sa iba’t ibang fashion statements niya.

Tulad na lang ng mala-pakpak at lumulutang niyang outfit sa The Buzz. But wait, bakit para yatang napagkamalang kurtina nina Lorin at Venice Gutierrez ang outfit niya. Akalain mong magtaguan ang dalawang bata sa ilalim ng damit n’ya.

O s’ya Phoem, i-enjoy mo na lang ang Taguang Pong mo with the kids. Keri mo pa rin naman kahit kinikiliti ka na nila eh!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.