Tago: Lady Solon, type si Newbie Solon?!

Mahirap maging mapagmasid sa Kongreso, dahil kahit ayaw mong maging tsismoso, wala kang magawa ‘pag mismong tsismis na ang umeepal sa harapan mo. Dahil tsismoso naman tayo, wala namang masama kung papatusin natin ang tsismis na ito.

Ayon sa ating chikadorang makulit, maugong daw ang balita tungkol sa latest act ng ating bidang beteranang mambabatas from the Lower Chamber of the Philippine Congress.

Kung tutuusin, wala namang masama sa kanyang ginawa. Minsan daw kasi, pagkatapos manumpa ng mga bagong mambabatas ng Kamara, namataang panay ang tingin ng beteranang mambabatas sa katatapos lang manumpang newbie representative.

Kung sabagay, kahit sino naman siguro, eh, talagang kikiligin sa newbie solon. May kagandahan rin kasi ang pangangatawan, at medyo may arrive din kahit papano ang kanyang tindigan at kaguwapuhan.

Lusot na raw sana ang malalagkit na tingin ni Lady Solon. Pero nang sa kung anong pananadya ng tadhana, namataan ng mga miron ang sasakyan ni Lady Rep sa ____ wing ng Congress. Nagkatinginan na lang daw ang mga curious bystanders nang pasakayin ni lady solon sa kanyang sasakyan ang newbie representative na para bang matagal na silang magkakilala?! May ganun?!

Ang hirit nga ng mga miron, ano’ng meron sa dalawa at parang super-close na agad sila? Sabi naman ng mga mahadera, baka naman nagdadalaga lang ang lady kongresista at nagmagandang-loob lang na pasakayin ang kanyang bagong kasama.

Bago pa kayo mag-isip ng kung anu-ano, isipin na lang nating nag-jak en poy lang ang dalawa sa loob nito. Pero ito lang ang problema, may asawa na kasi ang ating bida, at ilang beses na rin s’yang na-tsika na may kinakarir bukod sa kanyang asawa. May ganun?!!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.