Tago: Solon, napikon sa umano’y careless introduction

Magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa pikunin! Ito yata ang mantrang dapat tandaan ng isang bagitong solon na kasapi ng Mataas na Kapulungan matapos umanong pabirong ipakilala bilang Mr. Disaster ang beteranong senador na noo’y magsasalita sa Session Hall.

Sa impormasyong hatid ng ating Chikadorang Miron, bigla raw tumahimik ang loob ng Session Hall nang biglang magbago ang mood ng beteranong senador. Halos marinig na nga raw ang tibok ng puso ng mga miron, ewan lang kung dahil sa kaba o dahil sa excitement na makita ang susunod na reaksiyon ng beteranong senador.

Pagpapatuloy ni Chikadora, hindi naman daw nakapagtatakang metikoloso ang beteranong senador sa paraan ng pagpapakilala sa kanya. At dahil beterano na sa Kamara, siyempre, sanay na siyang puro papuri at magagandang salita ang ikinakabit sa pangalan niya. Bukod sa sacred word na Honorable, siyempre, ini-expect n’yang mababangong adjectives din ang gagamitin ni Bagitong Senador.

Nakahinga nang maluwag ang madlang pipol nang sa kung anong ikot ng malamig na hangin mula sa aircon, bigla namang nahimasmasan at kumalma ang pikon ng mestisong senador. Bagama’t wala naman sa presinto ang bagitong senador, nag-effort pa rin itong magpaliwanag sa na-offend na beteranong senador.

Sinabi nitong hindi naman masama ang intensiyo niya nang tawagin niyang Mr. Disaster ang ating honorable senator. Kasi naman daw, kilala itong laging nangunguna sa pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad o disasters ng Philippine Nation.

Nakow! Buti na lang at nag-cool ka lang mode ang dalawang solon. Kung hindi, baka naka-witness daw ng sabunutan at kurutan ang mga miron?!! Huh!! May ganun!!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.