Tago: Solon, nakapagkit ang puwet

Kumusta naman ang mga parazzing makulit?! Sa latest tsika ng ating Chikadorang Makulit, isang kongresista raw ang tila nakapagkit na yata ang puwet sa kanyang congressional seat.

Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng Kamara ang isang kongresistang kung tutuusin ay uhugin pa

sa trabaho. Ang siste, nawili raw yata siya sa mga perks o magagandang bagay na maaring makuha mula sa kanyang trabaho kaya tila gusto pa niyang ipagpatuloy ang terminong nasimulan niya.

Wala naman daw sanang kaso, sabi ng mga miron. Kaya lang, ang puwestong kinaaaliwan niya ngayon, gusto na raw kunin ng kanyang kamag-anak na dating nakaupo rito.

Ang nangyari pala, nang kumandidato raw sa mas mataas na posisyon itong kamag-anak ni Kong, ang ating bida muna ang pinakandidato para nga naman ‘wag mapunta sa kalaban sa pulitika ang puwesto. Nanalo nga raw si Kong kahit pa may tsika na hindi makapaniwala ang marami sa pagkandidato nito.

Ang malupit lang, hindi naitanim sa inambisyong mataas na posisyon itong kamag-anak niya. Dahil wala na itong mapuntahan, binabawi na nito ang puwesto mula sa ating bida.

Pero mukhang magkakaproblema dahil ang bida nating kongresista, aminadong masarap pala talagang maupo sa Kamara. Kaya ‘yun, para siyang batang nagmamaktol dahil para nga namang binigyan siya ng lolipop, at noong sarap na sarap na siya, bigla itong babawiin mula sa kanya. Kahit naman siguro sino, kakagatin nang husto ang lolipop para ‘wag itong makuha sa kanya, ‘no!

Hay, buhay ni Inday! Ang kapangyarihan nga naman, oo. Pero, kongresistang may- rugby-ang-puwet, baka naman ‘pag hindi mo ibinalik sa kamag-anak mo ang puwesto, eh, kung saang kainan ka pulitin n’yan?

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.