Tago: Solon, ini-regalo ang mga regalo sa kanya

Nagulo ang ulirat ng mga miron nang marinig ang tsika tungkol sa bida nating kongresista. Hindi na nila tuloy sigurado kung kuripot, nagtitipid o sadyang may kakapalan lang siya ng mukha.

Sa umuugong ngayong balita, isa raw miyembro ng Lower Chamber o House of Representatives ang nabukong nagregalo ng mga ini-regalo rin sa kanya. In short, recycled ang regalo niya at sa kung anong ikot ng tadhana, hindi niya na-perfect ang istilo dahilan para mabuking siya.

Ang siste, uber naman sa arrive ang gifts niya. ‘Yun nga lang, dismayado ang mga nagbukas nang ma-sightsung nila ang mga markang nagsasabing ‘recycled gifts’ kami, ‘huwag kayong matuwa.’ Napawi ang excitement at ngiti sa labi ng mga kaibigan niya….

Sa masusi pang pag-uusisa ng ating Chikadora, nadiskubre niyang sinadya naman palang ‘wag tanggalin ang mga marka ng regalo. Hindi naman si Kongresista ang nanadya, dahil unang-una, hindi naman siya ang nagbalot ng regalo niya. Pangalawa, ‘tila may hinampo ang mga tauhan niya sa kanya. Kaya bilang ganti, sinadya raw ng mga ito na ‘wag tanggalin ang marka ng mga regalo para naman malaman ng mga kaibigan ni Rep na hindi talaga siya marunong mag-regalo.

Ang siste raw kasi,maging sa staff niya, recycled gifts ang ibinibigay nito. Pero ang malupit, may pondo raw naman para rito.

Hay Rep, wala ka pa namang asawa nagku-kuripot ka na…paano pa kaya kung may matiyempuhan ka habang rumarampa ka.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.